Bilang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang iyong pagpapahalaga sa mga katutubong Pilipinong lumaban upang mapanatili ang ating kasarinlan? IMPROPER ANSWER=REPORT PROPER ANSWER=THANKS&RATE
Home
/
Bilang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang iyong pagpapahalaga sa mga katutubong Pilipinong lumaban upang mapanatili ang ating kasarinlan? IMPROPER ANSWER=REPORT
Answer:
Ang ating mga ninuno ang naging instrumeto kung kaya'y nararanasan natin ang mamuhay ng malaya at madama ang hangin ng demokrasya sa ating bansa. Bilang isang mag-aaral o bilang isang batang Pilipino maipapamalas ko ang aking pagpapahalaga sa mga katutubong Pilipino na lumaban para sa ating kasarinlan sa pamamagitan ng hindi paglimot sa kanilang mga nagawa. Mapapahalagahan ko din ito sa paraang, maipapamahagi ko sa mga kapwa ko mag-aaral o bata ang aking kaalaman tungkol sa ating mga bayani ng sa gayon ay hindi ito malimot at patuloy na pahalagahan ng mga kabataan.