Bilang paghahanda, abo ang gagawin mo upang maging maayos ang kalagayan ng iyong trabaho?
Home
/
Bilang paghahanda, abo ang gagawin mo upang maging maayos ang kalagayan ng iyong trabaho?
Bilang paghahanda, abo ang gagawin mo upang maging maayos ang kalagayan ng iyong trabaho?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
MAHALIN ang trabaho, iyan ang dapat na matutunan ng maraming empleyado. May ilan kasing hindi gaanong pinahahalagahan ang trabahong mayroon sila. Pumapasok nga o ginagawa ang trabaho ngunit hanggang doon lang. Kumbaga, hindi gumagawa ng paraan upang
May mga empleyado nga namang kontento na sa kung anong mayroon sila. Dahil mayroon naman silang trabaho, okey na sa kanila. Sabihin mang maganda ang posisyon mo sa iyong trabaho, mahalaga pa rin na palawakin ang iyong kaalaman. Bukod sa patuloy na pagpapalawak ng kaalaman, importante ring nagagampanan mo ng mabuti at maayos ang iyong trabaho. Kaya naman, narito ang ilang tips upang magampanan ang bawat gawain:
KILALANIN ANG MGA KASAMAHAN SA TRABAHO
Magkakaiba ang ugali ng tao. Kumbaga, maaaring hindi magkasundo-sundo ang mga empleyado sa isang opisina. Hindi rin maiiwasan ang inggitan at samaan ng loob. Gayunpaman, bilang empleyado ay napakahalaga na kilalanin natin ang ating mga kasamahan sa trabaho. Mainam din kung aalamin natin ang kanilang ugali. Kahit din may mga kasamahan kang may “masamang” ugali, pakisamahan pa rin itong mabuti.