"Bordi' Geocadin Kidney, Bago na
Tagumpay ang isinasagawang operasyon
ng mga dalubhasang doktor sa National Kidney
Institute kay Bryan "Bordi" Geocadin, ang 12 anyos
na batang nagkaroon ng di-pangkaraniwang sakit
sa bato.
Ayon kay NKL Executive Director Filoteo
Alano, ang matagumpay na operasyon kay Bordi
ay bunga na rin ng ipinamalas na determinasyon
ng bata na malagpasan ang kanyang
karamdaman.
"Humanga kami sa kanyang ipinakitang
lakas ng loob sa halos limang oras na operasyon
upang palitan ang kanyang bato na may
misteryosong depekto," sabi pa ni Alano.
Sinabi naman ni Dr. Enrique Una, kabilang
sa walo kataong dalubhasang doktor na umopera
kay Bordi, bagaman hindi magkatugma ang
ipinalit na bato sa katawan ng bata, tiniyak nila na
ang batong nanggaling sa ama nitong si Brydon ay
"aayon" sa sistema ng katawan ni Bordi.
"Malaki ang aming paniniwala na
pagkatapos ng dalawang linggong obserbasyon,
ang bagong bato sa katawan ni Bordi ay sasang-
ayon sa kanyang katawan," wika ni Dr. Una.
Sa ngayon, ang bata ay nasa recovery
room na ng ospital at umaasa sa kanyang
tuluyang paggaling.
1. Ano ang ginawa kay Bordi sa National Kidney
Institute?
2.Bakit humanga sa kaniya ang mga doctor?
3. Kung isa ka sa mga kaibigan ni Bordi, ano ang
gagawin mo upang makatulong sa kaniya?
Share
Answer:
1. Ano ang ginawa kay Bordi sa National Kidney
Institute? tiniyak nila na ang batong nanggaling sa ama nitong si Brydon ay "aayon" sa sistema ng katawan ni bordi
2.Bakit humanga sa kaniya ang mga doctor? humanga kami sa Kanya ipinakitang lakas ng lood sa halos na limang oras na operasyon
3. Kung isa ka sa mga kaibigan ni Bordi, ano ang
gagawin mo upang makatulong sa kaniya? manalangin sa Diyos at huwag mawawalan ng pag-asa