BRAINLIEST KO PO SAGOT NYO TY :D
A. Balikan ang talata sa bahaging “Pagbasa” sa itaas. Sipiin ang mga salitang nakalimbag nang madiin. Sagutin ang mga tanong. Iisulat sa hiwalay na papel ang iyong mga sagot.
PAGBASA:
Panibagong Kalbaryo ni Juan Dela Cruz
Tadtad na ng suliranin ang bansa. Ngayon naman ay binisita ito ng panibagong kalbaryo, ang suliranin na sanhi ng sakit na Covid-19. Isang sakit na sanhi ng Corona Virus na umano’y nagmula sa bansang Tsina noong taong 2019. Ang sakit na ito ay naging ganap na pandaigdigang pandemya. Isang salot na sumisira sa buhay ng sangkatauhan kabilang ang Pilipinas. Maraming Pilipino ang nag aagaw-buhay at marami ding sumakabilang-buhay. Ngunit sa kabila nito, marami parin ang mga nadugtungan ang buhay. Kung noon ang mga tao sa paligid ay hindi mahulugang karayom ngayon ay wala ka nang halos makikita sa daan na gumagala dahil sa pandemyang ito. Marami na ngayon ang Juan na nagbibilang ng poste dahil sa walang magawa sanhi ng lockdown at pagsara ng ilang kumpanya. Kumukulo n ang tiyan ng marami dahil sa walang makain. Magkaganun pa man, may mga tao pa rin na bukas ang palad para sa kanilang kapwa. Bukal sa loob nila ang tumulong sa mga nangangailangan. Nakangiti pa rin ang nakararami sa gitna ng mga problema. Pilit na bumabangon sa tila madilim na kulungan na pilit lumalamon sa katiting na kaligayahan. Ganiyan tayong mga Pilipino, malakas ang loob, itaga mo sa bato, babangon tayo sa krisis na ito.
MGA TANONG:
1. Alin sa matatalinghagang salita o pahayag sa akda ang halimbawa ng tayutay?
2. Ano-ano ang kahulugan ng bawat tayutay sa akda?
3. Alin sa matatalinghagang salita o pahayag sa akda ang halimbawa ng idyoma?
4. Ano-ano ang kahulugan ng bawat idyoma sa akda?
Share
1-2.) MGA MATALINGHAGANG SALITA AT KAHUKUGAN
°tadtad na ng suliranin ang bansa-maraming suliranin ang bansa
° binisita ng panibagong kalbaryo-nadagdagan ng bagong suliranin
°isang salot na sumisira sa mga buhay ng sangkatauhan-ang sanhi at dahilan sa mga problema na dumating
°hindi mahulogang karayom-sobrang dami ng tao sa lavas
°marami na ngayon ang juan na nagbibilang poste-mga walang trabaho dahil sa lockdown
°kumukulo na ang tiyan ng marami-nagugutom
°pilit na bumabangon sa tila madilim na kulungan na pilit lumalamon sa katiting na kaligayahan-lumalaban kahit nahihirapan
3-4.)HALIMBAWA NG IDYOMAAT KAHULUGAN
°tadtad na ng suliranin-marami ang problema
°panibagong kalbaryo-may bago na namang
suliranin
°hindi mahulogang karayom-marami
°nagbibilang poste-walang magawa
°kumukulo ang tiyan-nagugutom
KAYO NA BAHALA MAG SEPARATE NYAN GUYS NAKAKATAMADAND PLEASE GENTLY CORRECT ME PO IF I'M WRONG THANK YOU