Brainliest ko po
Diskarteng Online Selling
ni: Bernadette A. Santiago
Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng matigil sa pagpapasada ng
dyip ang tatay ni Homer dahil sa pinaiiral ng General Community Quarantine sa
bansa. Pero sa kabila nito, hindi kinakapos ang kanilang pamilya, lalo na sa
mga pagkain at iba pang gastusin.
Minsan, habang nagse-cellphone ang ina ni Homer, tinanong niya kung
paano siya kumikita ng pera gayong nasa bahay lamang siya.
“Nay, paano po kayo kumikita gamit lamang ang iyong cellphone,” ang
nagtatakang tanong ni Homer.
“Naku anak, nag-oonline selling kami ng iyong Itay. May kinukuhanan
kaming mga paninda na siyang tinitinda namin gamit ang cellphone.
“Ah, kaya pala kahit paano po ay may pang-araw-araw po tayong
panggastos sa bahay,” ang sagot ni Homer.
“Oo anak, kailangan sa buhay natin ay maging madiskarte tayo. Hindi
tayo maaaring umasa lang sa ibibigay ng gobyerno. Dapat ay maging
mapamaraan din tayo sa pagkukunan ng ating kabuhayan,” ang paliwanag ng
kanyang ina.
Maya-maya’y dumating ang kanyang Itay bitbit ang dalawang malaking
eco bag laman ng iba’t ibang paninda. Agad naman siyang sinalubong ni Homer
upang tulungan sa mga bitbit nitong paninda at nagmano na rin sa kanyang
Itay.
“Salamat anak,” ang nakangiting sabi ng kanyang Itay. “Nasa labas pa
lamang ako ay naririnig ko na ang usapan ninyong mag-ina. Tama ang sinabi
ng iyong ina. Kailangan maging mapamaraan tayo sa ating buhay. Mahirap
umasa,” ang paliwanag ng kanyang Itay.
“Kaya nga po Tay, Nay, napakasuwerte po naming at madiskarte po
kayong mga magulang namin. Salamat po sa inyo. Gusto ko rin po sana
tumulong sa inyong online selling,” ang wika ni Homer.
“O sige, walang problema. Salamat sa pagtulong,” ang nakangiting sabi
ng kanyang ina. “Pero bago muna iyan, tara at magmeryenda muna tayo.
Nagluto ako ng nilagang saging. Tawagin mo na ang kapatid mo”
Nagdasal ng pasasalamat bago kumain ang mag-anak at si Homer na
punong-puno ng inspirasyon ay masaya para sa kanyang mga magulang.
Panuto: Sagutin ang mga tanong gamit ang graphic organizer. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
1.Paano nagsimula ang kuwento?
2.Ano ang sumunod na
nangyari ?
3.Nang dumating ang tatay ni
Homer, ano ang sumunod na
nangyari?
4.Ano ang pangyayaring
naganap bago magwakas ang
kuwento?
5.Paano nagwakas ang binasang kuwento?
Share
Answer:
answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer answer