bugtong bugtong pala bugtong isang butil ng palay puno ang bahay?
Share
bugtong bugtong pala bugtong isang butil ng palay puno ang bahay?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Bugtong
Isang matandandang laro na kinagigiliwan dahil sa mga palaisipan at kaalaman na naibibigay. Karaniwang isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy, at ng mga nakakatanda. Ito ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.
Ang bugtong ay nagsisimula sa mga salitang talinghaga, o mga metapora sa pagsasalarawan isang partikular na bagay, lugar, tao , hayop o mga bagay na hulaan. Nangangailangan ng katalinuhan at maingat ng pagninilay-nilay para mahulaan ang palaisipan o tanong.
Ang mga Pilipino ay madalas ginagamit ang mga bugtong pampalipas oras at kasiyahan ang paglalaro ng bugtong. Marami rin rito ang mga pahulaan na nakakapagpatalas ng isip.
Sa bugtong na “Isang butil ng palay ,sakop sa buong bahay”, ang sagot ay ilaw.
Munting kaalaman sa pinagmulan ng ilaw.
Ang bumbilya ng ilaw o ilaw na dekuryente ay isang uri ng aparato na lumilikha ng liwanag sa pamamagitan ng paggamit ng kuryente. Bilang karagdagan sa pagbibigay ng liwanag sa isang puwang na madilim, maaaring gamitin ang bumbilya ng liwanag upang maipakita na ang isang aparatong elektroniko ay buhay o binuhay, katulad ng upang magabayan ang daloy ng trapiko, para sa pagpapainit, at marami pang mga layunin.
Mga Inbentor ng ilaw
Si Agapito G. Flores ay isang Pilipinong imbentor na inakalang bumuo ng imbudo ng fluorescent light tube. Siya ay nagsagawa ng eksperimento tungkol sa ilaw na karaniwang gamit lalo na sa gabi. Nais niyang makatuklas ng ilaw na ang liwanag na dulot nito ay katumbas ng liwanag sa araw. ( Isa lamang eksperimento ang ginawa ni Agapito at hindi direktang siya ang nakaimbento ng fluorescent light na kung saan naging inspirasyon para mabuo ang ilaw)
Si Alexandre E. Becquerel ang unang nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa phenomena of fluorescence and phosphorescence. Dito niya naisip na ang pagsagawa ng imbudo o tubo ang makakatulong sa pagpapaliwanag ng paligid ng hindi pagkalat ng lason at radiation.
Ang Amerikanong si Peter Cooper Hewitt ang unang nag-patent (U.S. patent 889,692) ng prototype na mercury vapor lamp noong 1901. Ngunit ito ay hindi angkop sa pangkalakal dahil sa mahal ng sangkap nito.
Si Thomas Edison nakadiskubre ng incandescent bulbs o bumbilyang dilaw.
Para sa karagdagang impormasyon sumangguni sa link:
brainly.ph/question/1718190
brainly.ph/question/2178997
#LetsStudy