Buhay sa hinaharap.Ano ito
Share
Buhay sa hinaharap.Ano ito
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?
Ang mundo ba ay . . .
mananatiling ganito?
lalala?
bubuti?
ANG SABI NG BIBLIYA
“Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot. Ang dating mga bagay ay lumipas na.”—Apocalipsis 21:4ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?
Magkakaroon ka ng makabuluhan at kasiya-siyang trabaho.—Isaias 65:21-23.
Hindi ka na magkakasakit o magdurusa.—Isaias 25:8; 33:24.
Mabubuhay ka nang maligaya at walang hanggan kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan.—Awit 37:11, 29.
Lalaki at babae na positibo ang pananaw sa hinaharap; batang nagdidilig ng halaman; construction worker na nagtatayo ng bahay
MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?
Oo, sa dalawang dahilan:
Kayang tuparin ng Diyos ang pangako niya. Sa Bibliya, ang Diyos na Jehova lang ang tinatawag na “Makapangyarihan-sa-Lahat,” dahil walang limitasyon ang kaniyang kapangyarihan. (Apocalipsis 15:3) Kaya magagawa niyang tuparin ang kaniyang pangako na baguhin ang kalagayan ng mundo. Gaya nga ng sinasabi ng Bibliya, “sa Diyos ay posible ang lahat ng bagay.”—Mateo 19:26.
Gustong tuparin ng Diyos ang pangako niya. Halimbawa, sabik si Jehova na buhaying muli ang mga namatay.—Job 14:14, 15.
Mababasa rin sa Bibliya na ang Anak ng Diyos, si Jesus, ay nagpagaling ng maysakit. Bakit? Dahil gusto niyang gawin iyon. (Marcos 1:40, 41) Tulad ng kaniyang Ama, gustong tulungan ni Jesus ang mga nangangailangan. —Juan 5:19.
Kaya nakasisiguro tayong gusto ni Jehova at ni Jesus na tulungan tayong magkaroon ng maligayang kinabukasan!—Awit 72:12-14; 145:16; 2 Pedro 3:9.
Explanation:
source: jw.org website