bumuo ng maikling kwento na magpakita ng paggalang sa dayuhan at katutubo
Share
bumuo ng maikling kwento na magpakita ng paggalang sa dayuhan at katutubo
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Maikling kwento na magpakita ng paggalang sa dayuhan at katutubo
Nasubukan mo na ba ang makipag-usap sa isang katutubo o kaya ay sa isang dayuhan? Napansin mo ba ang pagkakaiba mo sa kanila? Ano ang iyong naging pakiramdam? Lahat ng tao ay nilalang na may pantay-pantay na karapatan. Saang panig man ng mundo, ang bawat isa ay may karapatang mabuhay nang may dangal, ligtas, at payapa. Magkakaiba man tayo sa ating lahing pinanggalingan, kulturang pinagmulan, katayuan sa buhay, relihiyon, o paniniwala ay pare-pareho tayong nagmula sa ating Dakilang Lumikha.
Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa kanilang magiliw na pagtanggap sa mga panauhin. Likas din sa mga Pilipino ang pagiging matulungin, maalalahanin, at magalang. Hindi kataka-taka na isa sa mga paboritong bisitahin ng o dayuhan ang bansang Pilipinas. Bukod sa mga turista magagandang lugar na maaaring pagbakasyunan, tiyak na nagiging kasiya-siya ang pamamalagi ng mga dayuhan dahil sa ating mabuting pagtanggap at pakikitungo sa kanila.
Maaaring may mga pagkakaiba-iba tayo sa lahi, kultura, anyo, o katayuan sa buhay ngunit iisa lamang ang mithiin at pangarap natin-ang mabuhay nang matiwasay at mapayapa sa isang lipunang nagtutulungan at may paggalang sa pagkatao ng bawat isa. Lahat tayo ay may tungkuling igalang ang karapatan ng bawat isa at itaguyod ang isang lipunang may pagmamahal sa kapwa.
Narinig mo na ba ang awiting One World, One Heart Beating? Maraming mga bata mula sa iba't ibang lahi ang nagsama-sama sa pag-awit nito. Nilikha ito ni Oona Mcquat upang ganyakin ang lahat na pahalagahan ang pagkakaisa ng itinitibok ng tao sa mundo kahit na magkakaiba-iba ang kanilang anyo. Awitin ito ng buong klase. Narito ang isang bahagi ng awit:
We are one world, one voice, one heart beating.
Everybody living in this world,
Everybody's got a voice, let's use it,
Everybody living in this world; One heart beating.
We are one world-we are one heart beating,
You might look like the other but I know you're my brother,
Animosity will fall when we love, y 'all.
it's all about choosing, not winning or losing.
Forget and forgive so we can live as one.
#Letstudy