bumuo ng sariling katang tula na nag lalaman ng tatlo o higit pang saknong.Ang bawat saknong ay may limang taludtod ang magiging paksa ng tula ay tungkol sa iyong pangarap nasa anyong malayang taludturan ang tula ngunit sikapin na may tugmaan ito,lagyan rin ng sariling pamagat
Home
/
bumuo ng sariling katang tula na nag lalaman ng tatlo o higit pang saknong.Ang bawat saknong ay may limang taludtod ang
Verified answer
Ang Aking Pinapangarap
Pinangarap ko na makapagtapos,
At gagawin ko ito ng lubos-lubos.
Lahat ng kakayanan ko ay aking ibubuhos,
At hinding-hindi ako malalaos,
Upang pamilya ko hindi na maghikahos.
Itong aking pangarap ay paghihirapan,
Kahit gaano katagal ay makakamtan.
Buong lakas ko itong ipaglalaban,
At buong puso ko itong iingatan,
Upang pangarap unti-unting mahahagkan.
Sa pangarap kong ito nakasalalay,
Ang kinabukasan ng aming buhay.
Nariyan ang pamilya ko na laging nakaalalay,
Sa lahat ng bagay laging nakaagapay,
Upang aming buhay magkaroon ng kulay.