Buod ng kwento: "Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon
Share
Buod ng kwento: "Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Magtatapos na ng elementarya si Inday, at sa kabutihang palad, siya ay isang honor student. Sabik na sabik at tuwang-tuwa ang kanyang Ina na si Aling Peling.
Bilang gantimpala kay Inday sa pagtatapos ng elementarya at pagiging honor student, nag-ipon ng pera ang kaniyang Ina para makabili ng regalo na ibiibgay niya sa araw ng araw ng pagtatapos. Dahil sa tingin ni Aling Peling ay kakailanganin ni Inday sa kanyang pagpasok sa high school, napagdesisyunan niyang cellphone na lang ang bilhin.
Laking tuwa ni Inday nang matanggap ang kaniyang bagong selpon. Pero parang naging tali siya buong panahon ng bakasyon sa kanyang selpon. Palagi niyang kausap ang kaniyang matalik na kaibigang si Bessy o kaya naman ay magkatext sila. Narinig rin ni Aling Peling na may kikitaing lalaki si Inday na may pangalang "Rico" sa unang pagkakataon. Sinubukang tannungin ni Aling Peling si Inday tungkol sa lalaking ito, pero hindi naging magalang ang kaniyang pagsagot--isang bagay na ikinagulat ng Ina.
Kinabukasan, umalis na lang nang walang paalam si Inday, at nadatnan na lang ni Aling Peling sa kalye na umiiyak dahil kinuha umano ni Rico ang kanyang bag na naglalaman ng kaniyang selpon, nagpaalam lamang na magpupunta sa banyo, ngunit hindi na ito bumalik. Ang laking panghihinayang ni Inday sa nangyari.
Explanation: