buod ng weightlifting fairy tagalog
Share
buod ng weightlifting fairy tagalog
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Humanda ng ma-in love at ma-inspire sa kwento ni Kim Bok Joo. Dahil sa pangarap ng kanyang ama kung kaya’t pinasok ng dalaga ang larangan ng pagwe-weightlifting. Bagama’t mahirap ay kakayanin niya ang lahat ng hamon mapatunayan lang ang sarili. Ngunit kapalit ng pagiging astigin sa pagbubuhat ay siyang hina naman ng kanyang lovelife. Kasama ng kanyang mga teammates ay parepareho silang mga walang boyfriend.
Makikilala niya ang cutie at kwelang swimmer na si Jung Joon Hyung, kapwa atleta na hanggang ngayon ay hindi makaahon sa isang pagkakamali. Minsan na kasing napahiya si Joon Hyung sa buong school nang tumalon siya bigla sa swimming pool sa isang competition ng wala pang hudyat.
Sa pagku-krus ng kanilang landas, matutuklasan nila na mas matagal na pala ang kanilang ugnayan at magisisimulang maging magkaibigan.
Ngunit, kung kailan nahuhulog na ang simpatikong swimmer sa sigang weightlifter ay saka naman titibok ang puso ni Bok Joo para sa kanyang weight loss doctor na si Jung Jae-Yi na kapatid pala ni Joon Hyung.
Saan hahantong ang kanilang love story? Pag fit ba sa friendship ay fit na rin umibig? Paano ipaglalaban ni Joon Hyung ang nararamdaman para kay Bok Joo? Paano pagsasabayin ni Bok Joo ang weightlifting at ang pag-ibig? Paano kapag ang love na kanilang pinagkukunan ng lakas na lumaban ay siya rin palang kanilang kahinaan?
HAHA copy paste ko lang 'yan pero legit maganda yang panoorin swæg.