Buoin ang mga pinaghalo-halong titik sa kahon upang matukoy ang mga pagbabagong pangkapaligiran ng nagdudulot ng kalamidad. ipalaiwanag kung papaano magiging dahilan ang mga kalamidad na ito
1.satesnyoprde
2.algbol mgwarni
3.mcetila nhecag
4.impigaamn
MGA DAHILAN
1.?
2.?
3.?
4.?
Share
Answer:
1.deporestasyon-Ang deporestasyon o pagiging kalbo ng mga kagubtan ay nagiging sanhi ng kalamidad sapagkat ang pagkawala ng mga puno ay paghina ng depensa ng isang lugar sa malalakas na bagyo at ulan.
2.-global warming-Ang global warming ay nagiging dahilan ng kalamidad dahil ang global warming ay nagdudulot naman ng climate change. Ang labis na pag-init ng mundo ay nagdudulot ng pagbabago ng panahon at kung magbabago ang panahon, mas malalakas na kalamidad ang dumaraan sa mundo.
Halimbawa nito ay mas malalakas na pagbagyo na nagiging sanhi naman ng mas malalaking pinsala sa iba’t ibang bansa lalo na sa Pilipinas na madalas daanan ng bagyo.
Ang global warming din ay sinasabing nagiging sanhi ng paglusaw ng yelo ng ilang lugar sa mundo at kung nalulusaw ang yelo ay nagiging mataas naman ang tubig na nagpapalubog sa ilang kalupaan ng mundo.
3.climate change-Nagiging dahilan ang climate change dahil ang pagbabago ng panahon ay nagdadala ng mga kalamidad na malalaks. Ang pagbabago sa klima o panahon ay nagdadala ng mas malalakas na bagyo at pag-ulan na nagsasanhi naman ng mga pagbaha, pagguho ng lupa, at malalakas na hangin.
Nagdadala rin ng kalamidad ang pagbabago ng panahon o climate change dahil nagsasanhi rin ito ng pagkatuyo ng lupa dahil sa tindi ng init ng panahon.
Ang init ng panahon ay sanhi rin ng climate change. Dahil sa matinding init, natutuyo ang lupa maging ang mga anyong lupa na nagsasanhi ng pagkukulang ng pagkain at inumin ng mga mamamayan.
4.pagmimina -Paano nagiging dahilan ng kalamidad ang pagmiminaNagiging dahilan ng kalamidad ang pagmimina dahil ang pagmimina ay kinakailangan ng pagbungkal ng lupa at pagputol ng mga puno.
Ang pagmimina kasi ay ginaganap sa mga kagubatan. At ang mga kagubatan naman ay naroon ang mga puno. Kung bubungkalin ang lupa upang makamina ng mga yamang mineral, nakakalbo ang mga kagubatan.
Kung nakakalbo ang mga kagubatan, walang mga punong hihigop ng ulan o tubig kaya naman nagiging sanhi ito ng pagbaha. Kung minsan din, dahil sa lumalambot ang lupa dahil wala nang mga puno, nagiging sanhi ito ng pagguho ng lupa o landslide.
Ang landslide ay nagdudulot ng trahedya lalo na sa mga kabahayang nakatayo sa mga ilalim ng bundok.
Explanation:
hope it helps...