c. Panuto: Sumulat ng isang orihinal na tula na gumagamit ng matatalinghagang mga salita at
binubuo ng apat na saknong. Pumili ng paksa sa mga sumusunod: Isulat ang sagot sa sagutang
papel. (20 puntos)
A. Pag-ibig sa Kapuwa
B. Pag-ibig sa Bayan
C. Pagpapahalaga sa kalikasan
D. Pagpapahalaga sa Edukasyon
Pamatnubay na Tanong
1. Tungkol saan ang tulang iyong isinulat?
2. Ano-anong matatalinhagang salita ang ginamit mo sa pagsulat nito?
3. Ibigay ang mga elementong nakapaloob sa tulang iyong sinulat.
phelp nmn po huhu
Share
Answer:
maging mapanuri,
sa mundong puno ng pagkukunwari,
munting isipan ay' di mapakali;
sa inosenteng mukha ay nakatubli,
malaking tanong na nais masuri.
ano ba itong nagyayari sa paligid,
ang pag-ibig tila pintong nakapinid;
mahirap masilip sa loob ng silid;
kailan nadarama ng pusong namamanhid
mundong kasalukuyan, ano'ng hatid na kapalaran,
sa tulad kong batang mulat sa harahasan;
saksi ang midya at maging lansangan,
tila nakaligtaan, paggawa ng kabutihan.
sa bihis at porma kung tingnan ay maka-tao
ang isipan pala laman ay pang-gagantso;
hindi ko malaman ang huwad at totoo
pagkat saanman mapadako may manloloko.
PS: paki-edit na lang po kung may mali hehe at kayo na rin po bahala sa title.