Panuto: Ang mga sumusunod ay katulad na pahayag mula sa tekstong binasa. Isulat sa patlang ang PA kung pagpapatungkol sa anapora ang panghalip na may salungguhit at PK kung pagpapatungkol sa katapora ang ginamit na panghalipna may salungguhit sa pahayag. ______1. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa.
______2. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa Pilipinas.
______3. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng negosyo sa bansa, bumagsak daw ang turismo sa administrasyong Estrada dahil mahina raw siyang pangulo.
______4. Isa siyang ekonomista kaya alam ni Pangulong Arroyo kung paano muling sisigla ang turismo sa Pilipinas.
______5. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang terorismo ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong Arroyo.
Panuto: Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga pangungusap. Isulat sa tapat ng bilang kung ito ay anapora o katapora.
______1. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko noon.
______2. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. Puspusan ang pagkalinga niya sa mga nangangailangan at kapus-palad.
______3. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya Quezon ay pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong siya sa American Red Cross at patuloy na nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan.
______4. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas. Gayunpaman, tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel A. Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng Pambansang Krus na Pula.
( Nonsense Answer/Copied = Report )
Share
0 Replies