C.Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek (2) ang patlang kung nagpapakita ng paggalang
sa mga dayuhan at katutubo (x) kung hindi. Gawin ito sa iyong
ESP sa iyong kuwaderno.
__1. Habang naglalakad, nasalubong ni Aira ang isang dayuhang
nagtatanong ng direksyon. Tinakbuhan niya ito
__2. Mayroong dayuhang naghahanap sa ama ni Girlie. Pinapasok
niya ito at pinaupo. Dinalhan din niya ito ng inumin.
__3. Dumating ang mga
dayuhan na nagbigay ng malaking
donasyon sa paaralan nina Chad. Kaagad nagbigay ang
paaralan ng bulaklak para sa mga ito bilang pasasalamat.
__4. Mayroong restawran ang ama ni Kisha sa Pinamungajan.
Maraming turista ang dumarayo mula sa iba't ibang bansa.
Inabisuhan ng ama ni kisha ang kanilang mga tauhan na
asikasuhing mabuti ang mga dayuhan upang hindi magsisi sa pagpunta sa kanilang lugar.
__5. Dumating ang mga investors galing sa Singapore sa kumpaniya nina Ginoong Bensula. Malaking tulong ang mga ito sa pagpapalago ng kanilang kumpaniya. Hindi nagdadalawang isip
si Ginoong Bensula na kumuha ng mga kwarto para sa
pagpapahingahan ng kanilang bisita.
__6. May sumasayaw na katutubo sa parke, uuwi na dapat ang ate
mo pero tumigil muna siya at masayang nanood sa ginagawa
ng mga katutubo at nagbigay ng konting tulong.
__7. Pinagsabihan ng nanay mo ang mga batang nanukso sa mga batang Mangyan na nakaupo sa parke upang magpahangin.
__8. May dayuhan na nagtatanong ng direksyon sa mga kabataang
nakatambay sa harapan ng tindahan ni Aling Ines,
pinagtawanan lamang nila ito at hindi sinabi ang tamang
direksyon.
__9. May mga Tsino na pumunta inyong paaralan upang
magbigay ng tulong sa kakulangan ng pasilidad. Laking pasasalamat ng inyong paaralan. Kaya ang inyung seksyon ay naatasang mag presinta ng sayaw at awit para sa mga bisita
__10. Lagi nalang tinutukso ng iba mong mga kaklase ang hitsura ni Aida dahil siya ay anak ng Negro.
Share
Answer:
1)x
2)x
3)/
4)/
5)/
6)/
7)/
8)/
9)/
10)x