C.PAGYAMANIN Gawain sa Pagkatuto 3-BASA-SURI
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na teksto para mas maunawaan mo ang konsepto ng pangarap.
Mangarap Ka! Maraming nagsasabi na libre lang ang mangarap. Kaya kung mangangarap ka, itodo mo na. Sabi nga ni Wency Cornejo sa kaniyang sikat na awit, “Mangarap ka, simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi, at ito’y iyong damhin; At itanim mo sa iyong puso at ito ay lalaki; ikaw rin ang aani.” Lahat daw ng tao ay nananaginip. Lahat din ay may kakayahang magpantasiya. Pero hindi lahat ng tao ay nangangarap. Ang iba kasi ay parang sumuko na sa buhay o nawalan ng pag-asa. Ang pangarap ay tumutukoy sa ating mga naisin sa buhay na malayo pa sa ating kasalukuyang kalagayan. Nagpapatuloy ito habang tayo ay may pag-asang magbabago ang ating pamumuhay mula sa ating kasalukuyang sitwasyon patungo sa mga mas makabuluhan at maligayang pamumuhay. Tiyak na may mga pangarap ka sa buhay. Ang mga pangarap na ito ay sinisimulan mo nang tuparin. Hindi nga ba’t nag-aaral ka ngayon para maabot ang mga pangarap na ito. Pero ang lahat naman talaga ng tagumpay ay nagsisimula sa pangarap. Tila nga ito isang maliit na binhi na kinakailangan ng maingat na pagaalaga upang lumago at magbunga. Sabi nga ni Helen Keller, isang bulag at bingi na naging matagumpay sa buhay, “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.” Sa pangarap nagsisimula ang lahat. Ang pangarap ay kakaiba sa panaginip. Ang panaginip ay nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay natutulog. Kapag nagising ka na, natatapos din ito. Hindi rin pagpapantasiya ang pangarap. Ang pantasiya ay likha ng malikhaing isip. Ito ay ang pagbuo ng mga sitwasyon o pangyayari ayon sa iyong kagustuhan. Masarap ang magpantasiya dahil lahat ng gusto mo ay posible. Ang pagpapantasiya ay ginagamit ng marami upang takasan ang kanilang mga problema. Kaya siguro sikat na sikat ang mga telepantasiya. Subalit hindi nakatutulong ang mabuhay sa pagpapantasiya. Kailangan nating harapin ang ating mga suliranin at ang lahat ng mga nakababagabag na katotohanan sa mundong ating ginagalawan. Hindi nakabubuti ang pagtakas sa suliranin. Ang tama ay ang mangarap at mag-ambisyon dahil ang pagtatamo ng mga ito ay nasa mga kamay mo. Ikaw ang timon na nagdidikta ng iyong pupuntahan, ang kapitan ng iyong sariling buhay. Lumilipas ang panahon kaya dapat kung mayroon kang pangarap ngayon, umpisahan mo nang magplano upang maisakatuparan ito.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pangarap ayon sa binasa mong teksto?
2. Ano ang pagkakaiba ng pangarap sa panaginip at pantasiya?
3. Bigyan ng maikling paliwanag ang sumusunod na kasabihan ayon kay Helen Keller, “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.”
4. Kailan ang tamang panahon para sa pagpaplano sa katuparan ng iyong mga pangarap?
Share
Answer:
efnnsdfksdovnsd
Explanation: