CYBERBULLYING
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpapaskil ng mga nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito. Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying.
Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang makatotohanang pangyayari sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying. Sa bansang Amerika ay naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.
Panuto: Basahin ang akda na isang halimbawa ng tekstong impormatibo. Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto na nakasulat nang madiin sa bawat bilang.
1. Ang sumusunod ay mga babasahing di-piksyon: talambuhay, balita,at artikulo sa magasin. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa di-piksyon?
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
1. Ang sumusunod ay mga babasahing piksyon: maikling kwento, tula, at nobela. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa mga babasahing piksyon?
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Ang salitang impormatibo ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa pinagmulan ng salita, anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong impormatibo?
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
1. Ang ilan sa mga elemento ng tekstong impormatibo ay: layunin ng may-akda, pangunahing ideya, pantulong na kaisipan, estilo sa pagsulat at kagamitan o sanggunian. Ano ang ibig tukuyin ng pahayag na pangunahing ideya?
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
1. Kailangan ng mga pantulong na kaisipan upang mabuo ang pangunahing ideya. Ano ang ibig ipahiwatig ng pantulong na kaisipan?
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Share
Answer:
ito napo na sa pic sana maka tulong