D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang gagamiting magagalang na pananalita sa bawat sitwasyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Pumasok ka nang maaga sa paaralan at naroroon na ang iyong mga kamag-aral. 2. Nabangga mo ang isang kamag-aral at nahulog ang kaniyang mga gamit. 3. May dumating na panauhin sa inyong silid-aralan. 4. Ibig mong humingi ng pahintulot sa iyong guro upang lumabas. 5. Nais mong hiramin ang aklat ng iyong kaklase.
Share
Verified answer
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Panuto: Isulat ang gagamiting magagalang na pananalita sa bawat sitwasyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
==================================
Kasagutan:
1. Pumasok ka nang maaga sa paaralan at naroroon na ang iyong mga kamag-aral.
Sagot: » Babatiin ko ang aking mga kamag-aral ng "Magandang umaga po aking mga kaklase".
==================================
2. Nabangga mo ang isang kamag-aral at nahulog ang kaniyang mga gamit.
Sagot: » Hihingi po ako ng paumanhin at pasensya sa kapwa ko kamag-aral at tutulungan ko siyang i-ayos ang kanyang nahulog na gamit.
==================================
3. May dumating na panauhin sa inyong silid-aralan.
Sagot: » Babatiin ko ang panauhin ng "Magandang araw po at Magandang umaga". Dahil nagpapakita ito ng paggalang sa iba.
==================================
4. Ibig mong humingi ng pahintulot sa iyong guro upang lumabas.
Sagot: » Sasabihin at magpapaalam ako sa aking guro na "Pwede po ba akong lumabas?" ng may paggalang.
==================================
5. Nais mong hiramin ang aklat ng iyong kaklase.
Sagot: » Sasabihin ko sa aking kaklase na "Pwede po ba akong makihiram ng iyong aklat?" ng may paggalang sa kanya.
==================================
Pagpapaliwanag:
Dapat tayong maging magalang sa iba, matanda man o bata dahil nagpapakita ito ng pagbibigay halaga o respeto sa ibang tao.
Ang paggalang din ay nakakatulong sa ibang damdamin ng ibang tao na ating nirerespeto at ang kahalagahan naman ng pagiging magalang ay nakakabuo ka ng magandang ugnayan.
Lagi nating tatandaan na ang pagiging marespetuhin at pagiging magalang at nagpapakita ng kabutihang-loob at kagandahang-loob sa iba.
May sawikain na "Kapag tayo ay may galang sa iba, gagalangin rin nila tayo". Nangangahulugan na nagpakita tayo ng pagiging magalang sa iba.
==================================
Mga salitang nagpapakita ng paggalang
sa iba:
=================================
Bisitahin ang mga link ukol o tungkol sa pagiging magalang sa iba.
» brainly.ph/question/4570205?
» brainly.ph/question/1791798?
» brainly.ph/question/6127261?