dapat bang paghiwalayin ang simbahan ng pamahalaan bakit
Share
dapat bang paghiwalayin ang simbahan ng pamahalaan bakit
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:(Ang Simbahan at Pamahalaan)
Ang Simbahan at Pamahalaan Sa kasalukuyan makikita natin ang hangganan na nakatayo sa gitna ng ating simbahan at ng ating pamahalaan. Paano ko nga ba ito nasabi? Sa nakikita natin ngayon, mayroong mga bagay na hindi napagkasunduan ng simbahan at ng pamahalaan. Kung balikan natin ang nakaraan, ginagamit ng mga Espanyol ang Kristiyanismo upang mapagbuklod at mapasunod ang mga Pilipino.Kaya sadyang naging makapangyarihan ang simabahan kung saan ang mga gawaing pamahalaan ay ipinagkatiwala sa mga misyonero. Kaya ngayon, naiisip niyo na ba kung bakit pinaghihiwalay ang simbahan at pamahalaan? Dahil mayroong mga bagay na hindi maaari gawin ng simbahan na kaya gawin ng pamahalaan at dahil na rin sa mga isyu.
Isa sa mga isyung ito ay pag-aaway ng simbahan at pamahalaan laban sa Reproductive Health Law. Kung saan ito’y mainit na isyu rito sa ating bansa. Hindi nagkakasundo ang ating pamahalaan at simbahan sa pagpasa ng Reproductive Health Law of 2012 o tinaguriang Republic Act 10354. Hindi sumasang-ayon ang simbahan tungkol sa RH Law dahil sila’y naniniwala na ito ay nakakasira sa moralidad ng mga mamamayan. Dahil sila’y naniniwala na ang kontrasepsyon ay nakakasama dahil mawawalan na ng disiplina ang mga tao at maaaring tatakasan nila ang kanilang responsibilidad. Habang ang layunin naman ng ating pamahalaan ay para maiiwasan ang pagkakaroon ng STI at malulunasan ang maagang pagbubuntis.Kaya ang malaking suliranin na ito ay patuloy ng pinagtatalunan ng simbahan at pamahalaan. Kaya naging kontrobesyal sa ngayon ang pakikialam ng simbahan sa pamahalaan at ng pamahalaan sa simbahan. Maliban sa RH Law, pinag-iinitan din ng simbahan ang ginawa ng ating bagong pangulo, laban sa kanyang kontra droga. Mayroong mga tao na ayaw sa pamaraan ng ating Pangulong Duterte sa pagwala ng droga sa ating bansa. Dahil ito sa kanyang pamaraan sa pakikipaglaban sa droga, dahil sa kanyang Extra Judicial Killings. Ayaw ng simbahan ng kanyang pamaraan, dahil nilalabag na ni Pangulong Duterte ang pagiging sagrado ng buhay ng isang tao. Sumang-ayon ang simbahan sa proyekto ni Pangulong Duterte, ang paglalaban ng droga, pero hindi sa parehong paraan. Gusto ng ating simbahan na pahalagahan natin ang ating buhay. Ayon kay sa pari ng CBCP, na mayroong ibang pamamaraan para labanan ang problema tungkol sa droga, dahil maaaring makikipag-ugnayan sila sa mga barangay at sa mga pulis dahil sila yung mga taong mas nakakaalam kung sino ang mga kasangkot sa isyung ito.
hope it helps...sorry kung mahaba..