“Dito sa lungsod ay masaya at makulay ang buhay ko. Bago lang ako ngunit
pakiramdam ko, magiging maaayos ako dito. Maraming tao, pasyalan at maraming
mapupuntahang magagandang lugar. Masaya ang buhay sa lungsod.
Tila walang puwang ang katahimikan sa paligid, maingay, maraming makakalaro
kaliwa’t kanan. Hindi katulad sa probinsiya. Pakiramdam ko may pag-asang
guminhawa ang aming buhay sa siyudad. Masaya ako rito, marami akong magiging
kaibigan.
Isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon dumating ang pangyayaring
nagpatigil sa lahat. Unti-unting kumakalat ang balita tungkol sa COVID -19. Unti-
unting nawala ang sigla ng dating masaya, maingay, at mataong lugar.
Hindi ko napigilan ang lungkot, hindi na ako makapaglaro sa labas ng bahay.
Bakit nangyayari ito? Kung kailan nagugustuhan ko na rito. Nariyan ang pagsabog ng
Bulkang Taal, lindol, at itong pandemya. Ang huli ang bagyong Ulysses na nagdulot sa
akin ng matinding takot at pangamba.
Napanood ko sa balita ang mga tao ay nasa bubong na ng kanilang bahay.
Matapos ang malakas na buhos ng ulan, tubig ay umaapaw sa lansangan at ang mga
kabahayan ay lumubog sa tubig baha. Masakit sa pakiramdam na nakikita ang mga
tao humihingi ng tulong upang makaligtas sa kamatayan.
Dito rin sa aming lugar lumubog na sa baha ang kalsada. Masakit sa kalooban,
mga taong walang magawa sa buhay mga basurang palutang-lutang pati ang sarili
nilang dumi at basura sa paligid ay ipinaaanod nalang. Mabuti itong si Nanay Maria
malinis sa kaniyang paligid, basura niya ay nakabukod-bukod, ayaw niya ng
nagsusunog, marami rin siyang halaman at masipag siyang maglinis sa harapan. Si
nanay ay dapat tularan. Subalit ang karamihan sa tao’y tapon dito, tapon doon ang
alam.
Bigla akong napakamot sa ulo at nagtanong sa sarili,
“ganito ba ang tao dito sa lungsod? “
“Hindi ba nila alam na mali na ang kanilang ginagawa? “
“’Di ba nila alam na may batas upang mapangalagaan ang kapaligiran?”
“Hindi ba sila nagtatanong bakit malawak at matindi na ang pinsala ng baha?
Nakakalungkot isiping ganito ang basura sa araw-araw. Saan nila dinadala ang
mga tone-toneladang dumi sa lungsod?”
Sagutin ang mga tanong;
1. Sino ang naglalahad ng kaniyang karanasan sa kuwento?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Anong katangian mayroon si Bunoy?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
5
3. Ano-ano ang mga pangyayaring kaniyang naranasan sa lungsod?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Ano ang matinding suliranin ng tao ang tinutukoy ni Bunoy?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
5. May mga dahilan para maramdaman niya ang lungkot at pangamba. Ano-ano
ito?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
6. Sa iyong pag-unawa sa kuwento, ano-ano ang batas na ipinahihiwatig ni
Bunoy?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Share
Answer:
1. Si Bunoy po
2. Mapagmahal sa kalikasan, mabuti ang kalooban
3. Covid-19, pag sabog ng bulkang Taal, lindol, bagyong Ulysses
4. Mahilig mag tapos ng basura kung saan saan , walang paki kung ano ang marring mangyari kung di malinis ang mundo,pag papabaya sa kapaligiran
5. Opo, ang mga tao na patuloy nag kakalat na nag papahirap sa mga panahon ng kalamidad o bagyo.
6. Huwag magkalat at pangalagaan ang kapaligiran
Explanation:
sorry po kung may mali sa sagot ko yan po kase yung opinion ko about sa kwento,yun lang po tnx^_^