Panimula: Sa ating pang-ara-araw na buhay, kaakibat ng ating pagkonsumo ay ang produksiyon upang matugunan ang ating mga pangangailangan at kagustuhan. Ang produksiyon ay tumutukoy sa proseso kung saan pinagsasama ang mga salik (input) upang mabuo ang isang produkto (output). Ito din ay tumutukoy sa paglikha ng produkto o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Apat na Salik ng Produksiyon
1. Lupa 2. Lakas-Paggawa 3. Kapital 4.
Entrepreneurship Sa kabilang banda, sinasabing ang paglago ng ekonomiya ay masasalamin sa pagtaas ng antas ng kakayahan ng isang lipunan na makapagbigay ng iba't ibang produkto at serbisyo (www.investopedia.com/terms/e/economicgrowth.asp). Sa kabuuan, ang paglago ay itinuturing na isang mahalagang palatandaan ng mabuting ekonomiya, at mas magandang buhay.
Share
Answer:
entrepreneur
Explanation:
yan po yung sagot sa no#4