Epekto sa mga mamayan sa bansang kanluranin sa Japan?
Share
Epekto sa mga mamayan sa bansang kanluranin sa Japan?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Pag unlad ng nasyonalismo sa japan
1. Kung iyong matatandaan, magkatulad at magkaiba ang naging pakikitungo ng mga Tsino at Hapones sa mga Kanluranin.
2. Magkatulad, dahil noong una parehas nilang isinara ang kanilang bansa at daungan mula sa mga Kanluranin. Subalit magkaiba ang naging pagtugon ng dalawang bansa sa banta ng imperyalismo. Patuloy na naging sarado ang China na nagresulta sa sapilitang pagpasok ng mga Kanluranin sa pamamagitan ng digmaan. Sa kabilang banda, tinanggap ng Japan ang mga Kanluranin nang hilingin nito na ipatupad ang Open Door Policy noong 1853.
3. Sa panahon na ito umusbong ang damdaming nasyonalismo ng mga Hapones. Ipinakita ito ng mga Hapones sa kabila ng pananatili ng mga Kanluranin sa kanilang teritoryo. Ito ay pinasimulan ni Emperador Mutsuhito na siyang namuno sa panahon na kilala bilang Meiji Restoration.
4. ANG MODERNISASYON NG JAPAN: PANAHON NG MEIJI RESTORATION
5. Nakita ni Emperador Mutsuhito ang maaaring maging epekto sa Japan kung patuloy silang magpupumilit na isara ang bansa mula sa mga Kanluranin. Natuto siya mula sa karanasan ng China sa pakikidigma nito sa mga kanluranin. Bagama’t handang lumaban para sa kanilang bansa, napagtanto ng mga Hapones na magiging magastos ang digmaan at maraming mga inosenteng mamamayan ang madadamay. Bukod pa dito, batid nilang mahihirapan silang manalo sa digmaan dahil sa lakas ng puwersang pandigma ng mga Kanluranin.
6. Nang tanggapin ng mga Hapones ang mga Kanluranin sa bisa ng Kasanduang Kanagawa ay naging pinuno ng Japan si Emperador Mutsuhito. Tumagal ang kaniyang pamumuno mula 1867 hanggang 1912. Siya ang naglipat ng kabisera ng Japan sa Edo (Tokyo sa kasalukuyan). Bukod sa paglilipat ng kabisera, nakilala si Mutsuhito dahil sa kaniyang pagyakap sa impluwensiya ng mga Kanluranin na kaniyang ginamit upang mapaunlad ang Japan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
7. Ipinadala ng pamahalaan ng Japan ang kaniyang mga iskolar sa Europe at United States upang matuto ng makabagong kaalaman at kaisipan sapamamahala, kalakalan at pakikipagdigma. Tinularan din ng Japan ang pagpapaunlad ng industriya na ginawa ng United States at mga Kanluraning bansa. Hindi nagtagal, naging isang maunlad at makapangyarihang bansa ang Japan.
8. Nagsimula na din siyang manakop ng ibang lupain upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Ilan sa kaniyang mga nasakop ay ang Korea, bahagi ng Russia at China, at Pilipinas.
9. Gabay na tanong: 1. Paano ipinakita ng mga Hapon ang kanilang pagtugon sa pananakop ng mga dayuhan sa Japan? 2. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ni Emperador Mutsuhito sa Japan?
10. Gabay na tanong: 3. Isa-isahin ang mga pamamaraang isinagawa ng mga Hapon upang mapaunlad ang kanilang bansa? 4. Kung ikaw ang tatanungin ,sang-ayon ka ba sa isinagawa ni Mutsuhito na buksan ang Japan sa mga pagbabagong hatid ng modernisasyon? Ipaliwanag