ESP PO ITO
VIII. Pagtataya
Tukuyin ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan
sa sumusunod na sitwasyon. Pagkatapos ay ipaliwanag ang iyong mga
kasagutan hinggil dito.
1. Isinailalam sa isang buwang Enhance Community Quarantine (ECQ) ang
Barangay Ginebra dahil marami ang naitalang kaso ng COVID-19 sa lugar.
Dahil dito, pinagbawalan ang mga residente na lumabas sa kani- kanilang mga
bahay kung wala namang importanteng gagawin. Tanging ang may mga
quarantine pass lamang ang pwedeng lumabas upang bumili ng
pangangailangan ng pamilya. Kinakailangan din na magsuot ng face mask
kung lalabas ng bahay. Noong una, hindi pa nararamdaman ni Jobert ang
pagkabagot. Lumipas ang maraming araw, unti-unti na niya itong naramdaman
kaya’t pumunta siya sa bahay ng kanyang mga kabarkada kahit na may
kalayuan ito sa kanila. Wala rin siyang suot- suot na face mask.
2. Dahil sa kahirapan ng buhay sa probinsiya, nagpasya si Dennis na
makipagsapalaran sa Maynila. Habang nagtatrabaho siya bilang janitor,
naisipan niyang mag-aral upang mabigyan niya ng magandang buhay ang
kanyang pamilya. May tatlong anak siyang naiwan at pawang maliit pa ang mga
ito. Kaya’t kumuha siya ng kursong abogasya sa isang unibersidad. Hindi biro
ang pinagdaanan niyang paghihirap makapagtapos lamang sa pag-aaral.
Noong una, halos gusto na niyang sumuko dahil sa pinagsasabay niya ang
kanyang trabaho at pag-aaral. Upang hindi siya paghinaan ng loob lagi niyang
inaalala ang kanyang pangako sa sarili na makawala sa kahirapan at lalong
pinaigting ang pagdarasal sa Panginoon. Pagkalipas ng ilang taon, kumuha
siya ng bar exam at laking gulat niya nang makapasa siya sa unang
6
pagkakataon. Ngayong naging abogado na siya, nais niyang gamitin ang
kanyang propesyon hindi lamang para maihaon ang kanyang pamilya sa
kahirapan kundi upang makatulong sa ibang tao sa kanilang probinsya.
3. Si Joana ay isang mag-aaral sa Kalayaan Junior High School na nasa ika-
sampung baitang. Pangarap niya sanang maging isang nars. Ang kanyang mga
magulang ay nagtatrabaho sa ibang bansa kaya’t iniwan siya sa pangangalaga
ng kanyang lola. Maluwag ang paraan ng pagdidisiplina sa kanya kaya’t
madalas ay wala siya sa kanilang bahay. Lingid sa kaalaman ng kanyang lola,
siya pala ay sumasama sa kanyang kasintahan na nag-aaral din sa isang
kalapit na paaralan. Isang araw, napansin niya na mayroong pagbabago sa
kanyang katawan na indikasyon na siya ay buntis. Siya ay natatakot na
malaman ito ng kanyang mga magulang.
4. Unang araw ng pagpasok ni Roger bilang empleyado sa isang pabrika.
Medyo may kalayuan ang lugar na kanyang pagtatrabahuhan kaya’t maaga
siyang nagising upang hindi siya mahuli. Habang tinatahak niya ang daanan
lulan ng motorsiklo, napansin niyang may nakatagilid na sirang motorsiklo at
may nakahandusay na tao sa kaliwang bahagi ng kalsada. Siya lamang ang
taong naroon sa pinangyarihan ng aksidente. Dali- dali niyang inilagay sa gilid
ng kalsada ang kanyang motor at bigla niyang nilapitan ang biktima. Hindi
makatayo ang sakay ng motorsiklo dahil sa mga sugat sa kanyang katawan.
Tumawag si Roger ng ambulansiya upang madala agad ang biktima sa ospital.
Sa pangyayaring iyon, hindi niya inisip na iwanan ang biktima kahit na siya ay
mahuli pa sa pagpasok sa kanyang pagtatrabahuhan.
5. Si Marlon ay isang taxi driver na nakapulot ng wallet na may lamang
P15,000.00 mula sa upuan ng kanyang kotse. Siya ay nagdadalawang isip na
isauli ito dahil baon ang kanyang pamilya sa mga utang. Sinabi din ng kanyang
mga kaibigan na huwag nang ibalik ang pera at gamitin na lamang ito upang
ipambayad sa mga naniningil sa kanila. Subalit, naisip niya na baka mas
nangangailangan din ang may ari nito kaya’t isinauli niya ito sa tulong ng
istasyon ng pulis sa kanilang lugar. Labis ang kagalakan ng may-ari at
pinasalamatan niya si Marlon. Doon niya nalaman na ipambibili ng gamot ang
perang iyon dahil may malubhang karamdaman ang anak ng may-ari ng pitaka.
Share
Answer:
1. Isinailalam sa isang buwang Enhance Community Quarantine (ECQ) ang Barangay Ginebra dahil marami ang naitalang kaso ng COVID-19 sa lugar. Dahil dito, pinagbawalan ang mga residente na lumabas sa kani- kanilang mga bahay kung wala namang importanteng gagawin. Tanging ang may mga quarantine pass lamang ang pwedeng lumabas upang bumili ng pangangailangan ng pamilya. Kinakailangan din na magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay. Noong una, hindi pa nararamdaman ni Jobert ang pagkabagot. Lumipas ang maraming araw, unti-unti na niya itong naramdaman kaya’t pumunta siya sa bahay ng kanyang mga kabarkada kahit na may kalayuan ito sa kanila. Wala rin siyang suot- suot na face mask.
Mali ang paya at kilos na ginawa Jobert, dahil hindi porket may quarantine pass na ito at malayang nakakalabas ay gagawin na niya ang gusto niya, nararapat parin niyang gawin ang nararapat at ito ay ang pagsunod sa tamang paggamit ng q-pass.
2. Dahil sa kahirapan ng buhay sa probinsiya, nagpasya si Dennis na
makipagsapalaran sa Maynila. Habang nagtatrabaho siya bilang janitor,
naisipan niyang mag-aral upang mabigyan niya ng magandang buhay ang
kanyang pamilya. May tatlong anak siyang naiwan at pawang maliit pa ang mga
ito. Kaya’t kumuha siya ng kursong abogasya sa isang unibersidad. Hindi biro
ang pinagdaanan niyang paghihirap makapagtapos lamang sa pag-aaral.
Noong una, halos gusto na niyang sumuko dahil sa pinagsasabay niya ang
kanyang trabaho at pag-aaral. Upang hindi siya paghinaan ng loob lagi niyang
inaalala ang kanyang pangako sa sarili na makawala sa kahirapan at lalong
pinaigting ang pagdarasal sa Panginoon. Pagkalipas ng ilang taon, kumuha
siya ng bar exam at laking gulat niya nang makapasa siya sa unang pagkakataon. Ngayong naging abogado na siya, nais niyang gamitin ang
kanyang propesyon hindi lamang para maihaon ang kanyang pamilya sa
kahirapan kundi upang makatulong sa ibang tao sa kanilang probinsya.
Tama ang naging kilos at paggamit ni Dennis s a kaniyang kalayaan. Naging malaya siyang makapag aral at makuha ang gusto niya kaya ngayon naman ay tutulong at tutuparin na niya ang kaniyang ipinangako
3. Si Joana ay isang mag-aaral sa Kalayaan Junior High School na nasa ika-
sampung baitang. Pangarap niya sanang maging isang nars. Ang kanyang mga magulang ay nagtatrabaho sa ibang bansa kaya’t iniwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola. Maluwag ang paraan ng pagdidisiplina sa kanya kaya’t madalas ay wala siya sa kanilang bahay. Lingid sa kaalaman ng kanyang lola, siya pala ay sumasama sa kanyang kasintahan na nag-aaral din sa isang kalapit na paaralan. Isang araw, napansin niya na mayroong pagbabago sa kanyang katawan na indikasyon na siya ay buntis. Siya ay natatakot na malaman ito ng kanyang mga magulang.
Mali ang kilos na ginawa ni Joanna sa paggamit ng kaniyang kalayaan. Dahil hindo porket wala sa tabi niya ang kaniyang mga magulang ay gagawin na niya ang anumang gugustuhin niya, dapat niya paring sundin ang kaniyang magulang at magdesisyon ng naayos para sa kaniyang sarili
4. Unang araw ng pagpasok ni Roger bilang empleyado sa isang pabrika.
Medyo may kalayuan ang lugar na kanyang pagtatrabahuhan kaya’t maaga
siyang nagising upang hindi siya mahuli. Habang tinatahak niya ang daanan
lulan ng motorsiklo, napansin niyang may nakatagilid na sirang motorsiklo at
may nakahandusay na tao sa kaliwang bahagi ng kalsada. Siya lamang ang
taong naroon sa pinangyarihan ng aksidente. Dali- dali niyang inilagay sa gilid ng kalsada ang kanyang motor at bigla niyang nilapitan ang biktima. Hindi makatayo ang sakay ng motorsiklo dahil sa mga sugat sa kanyang katawan. Tumawag si Roger ng ambulansiya upang madala agad ang biktima sa ospital. Sa pangyayaring iyon, hindi niya inisip na iwanan ang biktima kahit na siya ay mahuli pa sa pagpasok sa kanyang pagtatrabahuhan.
Tama ang pasyang ginawa ni Roger at sa paggamit ng kaniyang kalayaan. Kahit na ang trabaho niya ay mahalaga sa kaniya ay inisip niya parin ang kalagayan ng iba, at ito ay ang mabuti
5. Si Marlon ay isang taxi driver na nakapulot ng wallet na may lamang
P15,000.00 mula sa upuan ng kanyang kotse. Siya ay nagdadalawang isip na isauli ito dahil baon ang kanyang pamilya sa mga utang. Sinabi din ng kanyang mga kaibigan na huwag nang ibalik ang pera at gamitin na lamang ito upang
ipambayad sa mga naniningil sa kanila. Subalit, naisip niya na baka mas
nangangailangan din ang may ari nito kaya’t isinauli niya ito sa tulong ng
istasyon ng pulis sa kanilang lugar. Labis ang kagalakan ng may-ari at
pinasalamatan niya si Marlon. Doon niya nalaman na ipambibili ng gamot ang
perang iyon dahil may malubhang karamdaman ang anak ng may-ari ng pitaka.
Tama ang pagpapasyang ginawa niya sa paggamit ng kaniyang kalayaan. Hindi niya inisip ang sarili lamang sa halip ay inisip ang nararanasan ng iba. Malaya na siyang kunin iyon pero hindi niya ginawa dahil alam niya kung ano ang tama.
Note:
"Ang kalayaan ang may kaakibat na responsibilidad"
▲