ESSAY:
Ang pagiwas sa droga,ano ang nagagawang mabuti sa mga magaaral.
Share
ESSAY:
Ang pagiwas sa droga,ano ang nagagawang mabuti sa mga magaaral.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Isa sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay na nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kayamanan/pag-aari nating nasasayang. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipahayag at maipakita ang kalagayan ng mga kabataang lulong sa bawal na gamot. Nakapaloob rito ang iba’t ibang konsepto tulad na lamang ng pagdiskubre sa personalidad, mag paksa ukol sa bawal na gamot tulad na lamang ng mga dahilan kaya sila naligaw ng landas at mga ahensiyang tumutulong sa mga kabataan at mga paksa ukol sa tamang pakikitungo sa mga kabataang naligaw ng landas. Ang pag-aaral na ito ay para sa mga guro, mag-aaral, propesyunal at iba pang mambabasa na naghahangad na mas lalo pang maunawaan ang kabataang lulong sa bawal na gamot. Ang nilalaman ng pag-aaral na ito ay nakaayos ayon sa kahalagahan upang magamit at makatulong sa ibang tao. Sa hulihan ng pag-aaral ay may nakalagay na bibliyograpiya para sa mas malawak pa na kaalaman at bilang patunay na ang lahat ng nakapaloob rito ay katotohanan.
Ang mga droga ay mga lason. Ang dami na ginamit ang makatitiyak sa resulta.
Ang kaunti ay nagsisilbing pampasigla (nagpapabilis sa iyo). Ang mas marami ay nagsisilbing sedatibo (pinababagal ka). Ang mas marami pa ay nakalalason at maaaring makamatay.
Ito ay totoo sa kahit anumang droga. Tanging ang daming kinakailangan para makamit ang epekto ang naiiba.
Ngunit maraming droga ang may ibang panganib: ang mga ito ay direktang nakaaapekto sa isipan. Maaaring pasamain ng mga ito ang pag-unawa ng gumagamit sa nangyayari sa kanyang paligid. Bilang resulta, ang mga kilos ng taong iyon ay maaaring maging kakaiba, hindi makatwiran, hindi naaangkop at maaari pang mapanira.
Hinaharangan ng mga droga ang lahat ng mga pandama, ang mga kanais-nais ay pinapalitan ng mga hindi kanais-nais. Kaya, habang nagdudulot ng panandaliang tulong sa pagpapaginhawa ng sakit, tinatanggal din ng mga ito ang kakayahan at kalistuhan at pinalalabo ang pag-iisip.
Ang mga medisina ay mga drogang inilayon para mapabilis, mapabagal o mabago ang isang bagay tungkol sa paano gumagana ang iyong katawan, para subukang mapahusay ang paggana nito. Minsan ay kinakailangan ang mga ito. Ngunit ang mga ito ay mga droga pa rin: kumikilos ang mga ito bilang mga pampasigla o mga sedatibo, at ang sobra ay makamamatay sa iyo. Kaya’t kapag hindi mo gagamitin ang mga medisina tulad ng kung papaano dapat gamitin ang mga ito, maaaring maging kasing-panganib ng ilegal na mga droga ang
mga ito.