Gabay ni Inang
Sa bayan ng San Jose ay itinuturing na bulaklak ng lipunan si Inang
Juanita Galang. Ang mga tao ay kadalasang humihingi sa kaniya ng payo.
Ang anumang alitan ay kaniyang naayos sapagkat siya ay pinakiukinggan
at iginagalang ng lahat. Busilak ang kaniyang puso. Handa siyang
tumulong sa bawat isa sa abot ng kaniyang makakaya.
Isang araw, isang dayong lalaki ang lumipat sa kanilang bayan.
Napansin ni inang na di mahapayang gatang ang lalaki. Mapagmataas ito
magsalita. Walang respeto at tila kaya niyang gawin ang lahat.
Sa kabila ng hindi magandang asal ng lalaki ay matiyaga at mabuti
itong pinakisamahan ni inang. Palagi rin niyang pinaaalalahanan ang mga
kapitbahay na pakitunguhan ito ng maayos at kausapin ng may kababang
loob.
Hindi nagtagal ang dati’y itim na tupa ay nagbago. Sa gabay ni Inang
Juanita at maayos na pakikitungo ng mga tao ay lumabas ang ginintuang
ugali ng lalaki. Ang dati na palaging galit at nakasimangot ay nagtataglay
na ngayon ng maaliwalas na mukha.
Sariling Katha ni Lesslie D. Lalo
10.Alin sa mga binaggit na sawikain sa talata ang may pagpapakahulugan na
respetado , kinikilala at iginagalang sa lipunan?
A. itim na tupa
B. ginintuang puso
C. bulaklak ng lipunan
D. di mahapayang gatang
Share
Answer:
C. bulaklak Ng lipunan
Explanation:
Hope's it's help
Answer:
C
Explanation:
yan ata yung sagot(◐∇◐*)