gamit ang venn diagran, suriin ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre-kolonyal at sa kasalukuyang panahon.
1.pananamit
pre-kolonyal kasalukuyan
pagkakapareho
_______________________________________________________
2. pagpapangalan
Pre-kolonyal kasalukuyan
pagkapareho
________________________________________________________
3.Edukasyon
Pre-kolonyal kasalukuyan
Pagkakapareho
__________________________________________-
Share
Verified answer
Pre-Kolonyal
Pananamit- Ang mga lalaki ay nakabahag ngunit may kanggan na pang-taas na maikli ang manggas at itim o asul na kamisang walang kuwelyo. Ang kulay ng kamisa angnagpapakilala kung ano ang antas o ranggo ng nagsusuot noon: kung pula ay nangangahulugangdatu ang may-suot; kung asul o bughaw o kung itim ay nabibilang sa uring mababa kaysa datu.
Sa kabilang dako, ang pananamit ng mga babae ay binubuo ng pang- itaas na kung tawagi‟y baro at ng pang- ibaba na kung tawagi‟y saya. Sa Kabisayaan, ang tawag dito‟y patadyong. Noo‟y walang sapatos ang mga tao, kaya‟t ang lahat ay nakatapak. Gayunman, ang ulo‟y may putong, na anupa‟t isang kayong damit na nakabilibid sa ulo. Sa kulay ng putong nakikilalaang “pagkalalaki”: kung pula ang putong, ang may -suot ay nakapatay na ng isang tao; kung mayburda ang putong, ang may-suot nito ay nakapatay na ng maraming tao. Ang mga babae ay hindi naglalagay ng putong, ngunit ang kanilang buhok ay nakapusod.
Pagpapangalan: Ang ina ang karaniwang nagbibigay ng pangalan sa kaniyang anak. Ang pagpapangalan ay batay sa isang partikular na pangyayari. Wala silang apelyido. Idinudugtong ang "in" sa pangalab kung ito ay babae.
Edukasyon: Hindi pormal ang uri ng edukasyong ginagamit noong sinaunang panahon. Sa loob ng tahanan nagsimula ang edukasyon at dito at isinalin ng mga magulang sa kanilang mga anak ang iba't ibang kaalaman. Bahagi ng edukasyon ang nasanayan sa pagtatanggol sa sarili at ang pangkabuhayang gawain tulad ng pangangaso at pangingisda.
Kasalukuyan
Pananamit: Moderno ang paraan ng pananamit. Mayroong partikular na damit na sinusuot sa opisina, paaralan at sa loob ng bahay o pupunta lamang ng mall.
Pagpapangalan: Mayroong apelyido at moderno rin ang pagpapangalan sa mga anak. Ang pagpapangalan ay pinagkakasunduan ng mag-asawa.
Edukasyon: Pormal ang edukasyon at mayroong paaralan na pinapasukan ang mga mag-aaral. Mayroong tiyak o ispesipikong guro na nagtuturo sa bawat asignatura.
Pagkakapareho ng Pre-kolonyal at Kasalukuyan
Pananamit: Parehas na may tiyak na kasuotan upang matakpan ang mga pribadong parte ng katawan.
Pagpapangalan: Parehas na binibigyan ng pangalan ang mga anak batay sa kasarian nito.
Edukasyon: Parehas na may natututunan ang mga bata lalo na ang mga gawain sa buhay.
Iba pang halimbawa ng pagakakaiba ng ng pre-kolonyal at kasalukuyan: brainly.ph/question/12850518
#BRAINLYFAST