Gamitin ang mga salitang nagpapahayag ng sariling opinyon upang mabuo ang
pangungusap. Gawing paksa ang mga pangyayari sa ating lipunan.
1. Sa aking palagay ___________________________________________ .
2. Sa tingin ko ________________________________________________ .
3. Kumbinsdo akong ___________________________________________ .
4. Labis akong naninindigan na __________________________________ .
5. Sa totoo lang _______________________________________________ .
6. Buong igting kong sinusuportahan ang __________________________ .
7. Lubos kong pinaniniwalaan ____________________________________ .
8. Kung ako ang tatanungin ______________________________________ .
9. Sa aking pananaw ___________________________________________ .
10.Kung hindi ako nagkakamali ___________________________________
Share
Answer:
1. Sa aking palagay ay mas makabubuti siguro na manatili lamang ang lahat sa kani-kanilang bahay upang maging ligtas lalo na't may lumalaganap na pandemya sa panahon na ito.
2. Sa tingin ko ay mas magiging ligtas talaga ang lahat lalo na kung sumusunod sa ipinatutupad ng gobyerno sa ngayon para sa kaligtasan ng lahat lalo na't may pandemya ngayon na lumalaganap.
3. Kumbinsido akong magiging ligtas ang lahat kapag sumusunod sa patakaran na ipinatutupad ng gobyerno sa ngayon para lamang sa kaligtasan ng lahat.
4. Labis akong naninindigan na ang lahat ng nangyayari sa atin dito lalo na ang tungkol sa pandemya ay malalagpasan din natin sa awa ng Amang makapangyarihan sa lahat.
5. Sa totoo lang ay maraming naghihirap, nalulugi, at unti-unti nang nawalan ng pag-asa dahil lamang sa lumalaganap na pandemya sa ngayon pero patuloy pa rin ang lahat na lumalaban kasi alam ng lahat o alam nating lahat na ito'y isang pagsubok lamang at malalagpasan din natin ito kapag nananalig lamang tayo at hindi nawawalan ng pag-asa na ang Diyos ay gagawa ng paraan upang tayo'y maging ligtas at hindi malagay sa kapahamakan.
6. Buong igting kong sinusuportahan ang gobyerno lalo na't gumagawa sila ng paraan kung papaano malulutas ang problemang kinakaharap ng bansa ngayon.
7. Lubos kong pinaniniwalaan na malalagpasan din nating lahat ito at babalik ang lahat sa normal kapag ang lahat ay nakipagkaisa at nagtulong tulong na sulosyonan ang problema na kinakaharap ng bansa sa ngayon.
8. Kung ako ay tatanungin tungkol kung malalagpasan ba natin ang pandemyang kinakaharap natin ngayon ay ang masasabi ko lang ay oo dahil walang pagsubok na binigay ng Diyos sa atin na hindi natin kayang lagpasan at sa pamamagitan ng ating Pangulo ay unti-unti rin niyang ginagawan ng paraan kung papaano masusulosyonan ang lahat ng problemang kinakaharap natin ngayon kasama ang iba pang nasa gobyerno.
9. Sa akin pananaw ay unti-unting naghihirap ang maraming tao o pamilya dahil sa pandemyang lumalaganap sa ngayon pero ang lahat ay patuloy pa ring lumalaban at syempre ang iba ay sumuko na pero hindi naman umabot ng kalahati sa isang daang porsyento ang taong sumuko kasi ang lahat ay patuloy na nagpapakatatag at lumalaban kasi alam nilang malalagpasan din natin ito kapag tayo'y nagtulungan at hindi nawawalan ng pag-asa.
10. Kung hindi ako nagkakamali ay ang Pangulo ng bansa natin ngayon ay gumagawa o humahanap na ng paraan para matapos na ang paghihirap na kinakaharap ng lahat sa ngayon lalo na't dumadami na ang bilang ng namatay at nagkakasakit dala ng pandemyang lumalaganap sa bansa natin ngayon.
Explanation:
Yan ang sagot ko at opinyon ko lang yan pero sana makatulong sa inyo.