gamitin sa pangungusap ang mga halimbawa ng sawikain na ma tatagpuan sa bawat aytem at ibigay ang kahulugan nito.
1.Sawikain:butas ang bulsa
pangungusap:
2.Sawikain:balat-sibuyas
pangungusap:
3.Sawikain:mag dilang anghel
pangungusap:
4.Sawikain:mahangin ang ulo
Pangungusap:
5.Sawikain:kilos-pagong
Pangungusap:
pasagot po pls (bigyan q points oo yes)
Share
Answer:
1.Sawikain:butas ang bulsa= walang pera
pangungusap: Butas ang bulsa ni Niel palagi.
2.Sawikain:balat-sibuyas = madaling masaktan ; iyakin
pangungusap: Balat-sibuyas si Sam kaya palagi tuloy siyang inaasar.
3.Sawikain:mag dilang anghel = magkatotoo sana
pangungusap: Jusko ! magdilang anghel ka sana na ako ay mananalo sa lotto.
4.Sawikain:mahangin ang ulo = mayabang
Pangungusap: Si Pedro ay kinaiinisan sa lahat dahil siya ay mahangin ang ulo.
5.Sawikain:kilos-pagong = mabagal ang kilos
Pangungusap: Si Marie ay may kilos-pagong kaya palagi suyang nahuhuli sa kanilang klase.