gawain 1 a. panuto basahin at unawain ang maikling talata
Napag - utusan si Mila na hugasan ang mga plato
pagkatapos nilang mananghalian. Tinanggal niya muna ang tira -
tirang pagkain. Binalawan niya ng tubig ang baso, kutsara't tinidor
at plato. Pagkatapos nito inihanda niya ang pampunas at
dishwashing liquid. Sinabonan niya ang baso, kutsara't tinidor at
ang plato ng maayos. Sumunod ay binanlawan niya ang mga ito
ng maayos. Tinandaan niya ang utos ng nanay niya na dapat
laging una ang baso, kutsara't tinidor at pagkatapos ay ang plato.
Binanlawan niya ito ng dalawang beses para walang sabon na
matira. Panghuli ,inilagay niya ang mga ito sa kani kanilang
lalagyan ayon sa ayos nito
Batay sa binasang talata, lagyan ng bilang 1 - 5 ang sumusunod na
paraan ng paghuhugas ng pinggan.
__ Sinabonan niya nang maayos ang baso, kutsara, tinidor at
plato.
__ Tinanggal niya muna ang tira - tirang pagkain at binanlawan ng
tubig ang baso, kutsara, tinidor at plato.
__ Binanlawan niya ito ng dalawang beses para walang sabon na
matira.
__ Panghuli inilagay niya ang mga ito sa kani kanilang lalagyan
ayon sa ayos nito.
__ Pagkatapos nito inihanda niya ang pampunas at dishwashing
liquid.
Share
Answer:
3
1
4
5
2
Explanation:
Yan ang tamang paghuhugas ng pinggan basi sa binasang maikling talata