Gawain 1. Pag-aanalisa ng mga sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.
1. Namatay ang tatay ng iyong kaklase, napansin mo na siya ay naging
malungkutin, ano ang maaari mong gawin upang siya ay magkaroon
ng bagong pag-asa?
________________________________________________________________________
2. Bumagsak sa markahang pagsusulit ang iyong kaibigan. Madalas siyang
lumiliban sa klase mula noon. Ano ang maaari mong gawin upang
mapanumbalik ang kanyang interes sa pag-aaral?
________________________________________________________________________
3.Nasunugan ang inyong kapitbahay,wala siyang magamit na uniporme. Ano ang maaari mong gawin upang mapagoon ang kanyang kalooban??_______________________________________________________________
Share
Answer:
1. Yayakapin ko ito at sasabihing maari mang nawala na ang iyong ama sa mundong ito ngunit hindi ibig sabihin non ay nawala na sya sa iyong puso, maaring siya ay nasa magandang lugar na at nagpapahinga at hindi na muling mahihirapan pa, kailangan mong lumaban at magpatuloy para sa iyong pamilya para mas matuwa sa iyo ang iyong ama.
2. sasabihin ko na "hindi mo kailangang lumiban sa klase dahil lang bumagsak ka sa pagsusulit. Sa buhay lahat tayo ay nakararanas ng pagkabigo, ngunit hindi ibig sabihin nito ay wala na tayong pag-asa na lumaban pang muli. May dahilan lahat ng mga nangyayari sa ating buhay, maaaring nangyari ito para tayo ay mas maging malakas at matatag. Sa bawat pagkabagsak o pagkabigo natin lalo dapat tayong magsumikap.
3. ibibigay ko sa kaniya ang aking mga uniporme na hindi pa gamit o dikaya ang mga uniporme na kaaya-aya upang magamit niya sa kaniyang pag-aaral.
Explanation:
sorry if mahaba, sana po nakatulong:))