gawain 1
panuto tukuyin kung anong uri ng pangatnig ang pangungusap sa bawat bilang. piliin ang letra ng tamang sagot.
1.sasabihin ko ang totoo kapag dumating na silang
lahat
a. panubali b. pananhi c. panlinaw d. pamukod
2.nakapag aral ka na ba? kung gayon matulog ka na
a. panapos b. panlinaw c. panulad d. paninsay
3.naospital siya dahil sa matinding ubo
a. panubali b. paninsay c. pananhi d. panlinaw
4.ni ikaw ni ako ay hindi dapat makialam sa kanilang problema
a. panapos b. panlinaw c. pananhi d. pamukod
5.maghanda ka na kung sasama ka mamaya
a. panubali b. panapos c. pamukod d. panlinaw
Share
Answer:
1. A. Panubali
2. B. Panlinaw
3. C. Pananhi
4. D. Pamukod
5. A. Panubali
Explanation:
Panubali - Nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag , pag , sakali , sana.
Panlinaw - Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit. Maaaring gamitan ng salitang: kung kaya , kung gayon , o kaya.
Pananhi - Nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa , sanhi sa , sapagkat , mangyari.
Pamukod - Ito ay ginagamit upang linawin ang nasabi na. Halimbawa: o , man , maging , ni , kaya.