Gawain 1
Basahin ang kuwento ni Paola at sagutin ang mga tanong:
4. К
Ako si Paola. Galing ako sa Mindanao. Lumipat kami sa inyong pook sapagkat isa
ang pamilya namin sa nakaranas ng maraming kalamidad. Ang iba'y gawa ng tao at ang iba
nama'y dahil sa bangis ng kalikasan. Dalawang taon pa lamang daw ako nang maranasan ng
aming pamilya ang gulo sa Mindanao. Nalaman ko ito dahil ikinuwento nila. Napakarami
raw ng naapektuhan ng gulong ito sa Mindanao.
Subalit ang gulo sa aming bayan ay nagpaulit-ulit. Noong nakaraang taon ay muling sumiklab
ang kaguluhan at nadamay pati ang aming paaralan. Nasunog ito kasama ng iba pang mga
bahay at gusali. Ang aming mga klase ay pansamantalang ginagawa sa mga dampa habang
itinatayong
muli ng pamahalaan ang aming silid-aralan. Sapagkat wala na rin kaming bahay na
matitirahan kaya't napilitan kaming lumipat dito upang makaiwas sa kaguluhan at
makapagpatuloy kaming magkapatid ng aming pag-aaral.
Dahil wala kaming bahay, natutulog kami sa ilalim ng tulay kasama ang iba pang
biktima ng iba't ibang kalamidad. Naglalatag kami ng karton at banig sa aming kariton,
Nagtitiis kaming mabasa kapag umuulan.
Upang matustusan ang aming pagkain sa araw-araw, nangongolekta ng bote at
plastik ang aking mga magulang mula sa mga tambak ng basura. Ibinibenta nila ito sa junk
shop upang may maibili ng bigas at ulam.
Nag-aaral akong mabuti sapagkat nais kong matupad ang aking mga pangarap sa
buhay. Nais ko ding makatulong sa aking mga magulang. Kapag walang pasok, nagtitinda
ako ng mga basahan sa kalye. Nag-iingat naman ako sapagkat iyon ang lagging bilin sa akin
ng aking mga magulang. Naniniwala ako na pagpapalain din kami ng Diyos sapagkat
nagsisikap kami at naghahangad ng mabuti para sa aming kapuwa.
Ipinagdarasal ko rin na sana ay magkaroon ako ng mga kaibigan dito.
Tanong:
1. Ano ang nararamdaman mo sa nangyari kay Paola at sa kanyang pamilya?
2. Ano ang maari mong maitulong kay Paola?
3.Kung isa ka sa kanila,ano ang iyong maramdaman?
4.Kanino ka lalapit at hihingi ng tulog?
Share
Answer:
1.malungkot at mag-aalala
2.bibigyan ko sila ng pagkain at mga diko na ginagamit na damit
3.malungkot pero sisikapin Kong tumulong sa aking magulang
4.samay mga mabubuting puso
Explanation:
I hope it's help