Gawain 1
Ipagpalagay mo na ikaw ay mag-aaral na kinatawan ng
inyong paaralan na gaganap na bilang punongbayan. Maghanda
ng mga panukalang
maaari mong ipahayag upang
mapangalagaan ang unti unting nasisirang kapaligiran dala ng
mga pagbabago at pag-unlad sa pamayanan.
Ano ang ipapanukala mo upang muling mapasigla at
mapagyabong ang inyong kapaligiran?
Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
Share
Answer:
Bilang gaganap na punong bayan at bilang isa na ring mamamayan ay tanging panukala ko upang muling mapasigla at mapayabong ang kapaligiran ay ang magtanim. Sa kasalukuyan, unti unti ng nasisira ang ating kapaligiran, lalo na ang kagubatan dahil sa patuloy na pagputol ng mga tao sa mga puno. Kaya naman upang maiwasan ito ay kailangan nating magtanim, pangalagaan ang kapaligiran at ipagbawal ang paninira sa kaliksan.