Gawain 1
Kumuha ng isang orasan o anomang uri ng timer, papel at panulat. Itakda ang iyong timer
sa isang minuto at simulang magtala ng mga bagay sa loob ng inyong bahay na nagsisimula sa
titik K. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ilang mga bagay na nagsisimula sa titik K ang iyong naitala?
2. Suriin ang paraan ng pagkasulat mo sa mga itinala. Maayos ba ang iyong pagsulat?
Tama ba ang ispeling ng mga salita? Sa iyong palagay, anong salik ang nakaapekto sa
paraan ng iyong pagsusulat sa talaan?
3. Makatuwiran ba na magkaroon ng maraming bura at magkamali sa ispeling sa ginawang
talaan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Masasabi mo bang may kagalingan ang iyong ginawa sa naunang gawain?
Pangatwiranan.
Gawain 2
1. Muling ihanda ang iyong timer at kumuha ng mga gamit sa pagguhit. Sikaping
madugtungan ang guhit sa loob ng kahon upang makabuo ng larawan ng kahit anong
bagay habang kumikilos ang iyong timer. Gamitin ang iyong malikhaing pag-iisip sa
pagbubuo nito. Kulayan ang nabuong larawan at tukuyin ang oras ng iyong pagsisimula at
ang oras ng pagtatapos ng gawain.
Share
Answer:
1. lampas sa lima ang aking naitala
2. may iilang letra na lumampas sa linya ng sulatang papel, hindi maayos ang ang ilan sa letra nito dahil sa mabilis na pagiisp at pagsulat.
3. maaring tayo ay magkamali sa pagsusulat sa kadahilanang tayo ay kasabay nagiisip ng tamang kasagutan.
4. katamtaman dahil may bakas ng kamalian ang ilan sa aking mga naitala.
Explanation: