Gawain 2: Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi. Panuto: Gamit ang mga pahayag na nasa loob ng kahon, punan ng wastong pahayag ang patlang upang mabuo ang diwa ng teksto. Isaalang-alang ang wastong paggamit sa pahayag na pagbibigay ng opinyon, matibay na paninidigan at mungkahi. Sinubok na ang bansang Pilipinas nang maraming kalamidad at pandemya. (1) _______________, likas na sa ating pagka-Pilipino ang pagiging mapagmahal sa kapwa dahil nagsusulputan ang mga trending na mga larawan at vidyu na mga kawang-gawa, halimbawa na rito ang pagpapatupad ng Community Pantry sa iilang mga lugar sa Rehiyon 10. (2) _______________ na mapagtatagumpayan natin bilang Pilipino ang pait na ating naranasan kung ang lahat ay magtulong-tulungan. Dagdag pa, may mga pagkakataon na sa halip na opinyon o paninindigan, isang mungkahi ang ating ipinahahayag. Sa pagpapahayag nito, tayo ay nagpapahiwatig na maisakatuparan ang sariling paniniwala. Tandaang hindi ito dapat ipinipilit dahil ito ay panukala lamang na maaaring sang-ayunan o hindi sang-ayunan. Ang ilan sa mga pariralang pwedeng gamitin sa pagpapahayag ng mungkahi ay ang mga sumusunod: Maaari sigurong… Makabubuti rin kung… Kung sakali, pwede ring… Palagay ko, maaaring… Halimbawa: Para sa akin, makabubuting ipagpaliban muna ang pagtalakay sa usaping ito hanggang bukas. Anuman ang ipapahayag – opinyon, paninindigan, o mungkahi, mahalaga ang magalang na paglalahad nito upang makatulong sa epektibong paghahatid ng mensahe. Sa ganang akin Kung sakali Naninindigan ako
Share
Answer: