Gawain 2
Ano ba ang ginagawa mo kung may hindi ka nagustuhan sa isang produkto o serbisyo?
Puwedeng manahimik ka na lamang at isiping hindi ka na uulit pa o kaya nama'y
magreklamo ka. Alin ka ba sa dalawang uri ng kostumer na ito? Alin ang mas mapanganib
sa isang negosyo? Bakit? Isulat ang iyong sagot sa isang papel.
Ang kostumer na tahimik ay huwag mong ipagsawalambahala. Maaaring hindi lang
ito nakapagsasabi nang tahasang nararamdaman ngunit baka marami naman itong
pagsasabihang ibang kostumer tungkol sa naging karanasan niya sa iyong serbisyo o
produkto. Ang kostumer na nagsasabi ng nararamdaman ay nakatutulong sa iyo upang
malaman ang mga hindi mo nakikita nang mapabuti mo ang iyong serbisyo. Ngunit
gayunpaman maaari rin niyang ipagsabi sa ibang kostumer ang karanasan sa iyo. Kaya
mag-ingat, maaaring magpaunlad o magpabagsak sa negosyo mo ang mga kostumer.
Share
Answer:
Magreklamo para malaman ng nagtitinda na yung negosyo niya ay may mali at makatulong ako sa kanya para maitama ang mga mali ng kanilang negosyo.
Ang mas mapanganib sa isang negosyo ay yung mga taong naninira dahil sila ay walang ibang ginawa kundi manira ng negosyo