Gawain 2
Panuto: Basahin ang balita. Bumuo ng mga pahayag na nagsasaad ng pagsang-ayon at pagsalungat batay
sa nilalaman ng balita. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
MAYNILA - Kung ang karamihan ng community pantry ay pagkain ang alok sa mga
pumipila, mga barya at tsaa ang handog ng isang pantry sa Visayas Avenue sa Quezon City
Ayon kay Karl Bartolata, organizer ng nasabing pantry, nag-umpisa ang kanilang grupo sa
pagoorganisa ng mga community pantry na tampok ay mga pagkain.
Doon nila nakausap ang ilan sa mga nais magdonate pero nahihiyang magbigay dahil mga
barya lang ang kaya nilang ialok
Doon niya naisipang gumawa ng Coin-mmuni-tea pantry kung saan maaring magdonate at
kumuha ng barya para sa mga nangangailangan ng pamasahe nila.
Kahit sino ay puwedeng kumuha. May tsaa din silang alok tulad ng tanglad tea at iced tea
mula sa grupong Galaw ng Kalikasan, para mapromote aniya ang healthy living sa mga tao
Karaniwang tinatayo ang pantry tuwing alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon. Ito na
ang pangatlong araw ng pag-oorganisa nila ng pantry na ito.
-Lyza Aquino, ABS-CBN News
Share
cake
cake cake
cake
cake
cake