GAWAIN 2
Panuto: Tukuyin kung ano ang ipinahahayag sa bawat pangungusap. Hanapin ang sagot
sa loob ng kahon.
Panunuluyan
salubong
camisa chino
pandanggo
baro't saya
peineta
harana
santacruzan
Cariño
Claveria
1. Gobernador- heneral na nagbigay ng apelyidong Espanyol sa mga Filipino
tulad ng dela Cruz, del Rosario, de los Santos, at Santiago.
2. Tawag sa suklay na isinisuot ng kababaihan sa kanilang buhok.
3. Isang sayaw ng panunuyo o panliligaw kung saan ang babae ay animo
nahihiyang magpakita ng damdamin sa lalaki at itinatago ang mukha gamit
ang panyo o pamaypay.
4. Isang uri ng kundiman o awit ng pagsinta na inaawit sa harap ng tahanan ng
dalagang nililigawan.
5. Isang relihiyosong tradisyon noong unang panahon na tumutukoy sa
pagsasadula sa pagkikitang muli ng nabuhay na si Kristo at ni Birheng Maria.
6. Isa sa mga kasuotan ng mga kalalakihan noong unang panahon.
7. Prusisyon na nagsasadula sa pagkakatuklas ni Reyna Helena sa tunay na
krus ni Hesus.
8. Isang uri ng pagdiriwang na tumutukoy sa pagsasadula sa pagsilang kay
Hesukristo.
9. Isang katutubong sayaw na gumagamit ng ilaw na naging sikat sa mga pista
at mga pagdiriwang
10. Tumutukoy sa kasuotan ng mga kababaihan.
Share
Answer:
1. Claveria
2. Peineta
3. Cariño
4. Harana
5. Salubong
6. Camisa chino
7. Santacruzan
8. Panunuluyan
9. Pandanggo
10. Baro't saya
Explanation:
Hope it helps..