Gawain 3 Ang Aso at ang Leon Kinatatakutan ng maraming hayop sa kagubatan ang Aso Ang mga Kuneho ay nanginginig kapag tumitig na ito. Hindi na malaman ng mga Pagong ang gagawin kapag itinaas na nito ang mga paang may matutulis na kuko. Pinipigil na ng mga Manok, Pusa at Bibe ang paghinga nila upang di mapansin ng nag-aalborotong Aso. Pinaghuhusayan ang pagtahol sapagkat alam ng Aso na maraming natatakot na bayop sa paligid. Upang lalong maging malakas ang pagtahol, pinupuno niya ng hangin ang dibdib naniniwala siyang ang mahinang tahol niya ay kaagad nagpapasisid sa mga isda sa batis. Ang modulatong tahol naman ay nakapagpapagising sa mga najidlip na ibong biglang nagkakampay ng mga pakpak upang makalayo sa kinatatakutang ingay na nagbibigay sa kanila ng isang libo at isang pangamba. Nagpapakaripas ng takbo sa kambing, pabo at baboy damo ang malakas na tahol ng aso. Ang sunud- sunod na tahol naman ay hudyat na upang magtago sa mga yungib ang mga Unggoy at mga Usa. Totoong marami ang natatakot dahil sa nakapaninindig balahibong mga tahoi ng Aso. Sinundan minsan ng Aso sa sobrang kayabangan ang Leon na noon ay namamasyal sa kagubatan Balak din niya itong takutin. Nang mapalapit ito ay nagpakayabang-yabang na sa tindig ang mananakot. Huminga ito nang malalim. Nang mapansing lumingon ang Leon ay nagsimulang magtatahol ang Aso Parang matibay na Batong Gibraltrar na hindi man lang natinag ang Leon. Sino talaga ang Hari Nilundag ng Leon ang tumatahol na Aso kaya napatulala ito sa kahihiyan. Pinagsasakmal ng Hari ng Kagubatan ang Hari ng Kayabangan. Mabuti na lang at naawat ng Tigre at Gorilya ang Haring Leon nila. Kung hindi ay baka tinanghal na bangkay ang Hari ng Kayabangan, na nang mahimasmasan ay yumukod at humihingal na nagbigay galang sa Hari ng Kagubatang gusto sana niyang pasiklaban.
I. Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng kuwento. Tukuyin at isulat sa patlang kung ang pangyayari ay nasa simula, kasukdulan at katapusan ng kuwento
1. Yumukod at humihingal na nagbigay galang sa Hari ng kagubatan ang Aso ng kayabangan
2. Kinatatakutan ng maraming hayop sa kagubatan ang Aso.
3. Sinundan minsan ng Aso sa sobrang kayabangan ang Leon na noon ay namamasyal sa kagubatan. Balak din niya itong takutin.
4. Nilundag ng Leon ang tumatahol na Aso kaya napatulala ito sa kahihiyan.
5. Hindi na malaman ng mga Pagong ang gagawin kapag itinaas na nito ang mga paang may matutulis na kuko.
II. Panuto: Tukuyin at isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang ipinahahayag ng bawat bilang ay wasto at MALI kung hindi
1. Yumukod at nagbigay galang ang mayabang na aso sa han ng kagubatan ay nasa bahaging katapusan ng kuwento.
2. Itong pangyayari ay nasa simulang bahagi ng kuwento, Pinipigil na ng mga Manok, Pusa at Bibe ang paghinga nila upang di mapansin ng nag-aalborotong Aso.
3. Nasa kasukdulang bahagi ng kuwento ang pangyayaring ito, pinagsasakmal ng Hari ng Kagubatan ang Hari ng Kayabangan
4. Parang matibay na Batong Gibraltrar na hindi man lang natinag ang Leon, ito ay nasa bahaging kasukdulan ng kuwento.
5. Ito ay nasa katapusang bahagi ng kuwento, ang mga Kuneho ay nanginginig kapag tumitig na ito.
Pa help po pls❤️❤️ vote&heart ko po mag sagot
Share
Answer:
ll.
correct me if I'm wrong, but i need brainlest rn