GAWAIN 3: Paglinang ng Talasalitaan Bigyang-kahulugan ang sumusunod na salitang may salungguhit.
1. inihanda niya ang salapang
kahulugan:
2. at siya ang pinakamalaking dentuso na nakita ko
kahulugan:
3. hindi nilikha ang tao para magapi kahulugan:
4. magkabilang gilid ng kaniyang prowa kahulugan:
5. nagpapahinga sa popa
kahulugan:
Share
Verified answer
TALASALITAAN
Ang mga sumusunod ay mga natatanging salita at kanilang mga kahulugan:
1. Ang salitang tinatawag na salapang ay tumutukoy sa isang uri ng sandata na maiiugnay sa sibat. Ito ay isang sandatang hinahagis, na binubuo ng mahaba ngunit hindi kalakihang kahoy, at mayroong matulis na patalim bilang ulo nito.
2. Ang tinatawag na dentuso ay tumutukoy sa isang klase ng pating na malaki at may napakatulis na ngipin. Ito ay isang malaki at mabangis na isda na kinatatakutan ng mga tao dahil sa kakayahan nitong pumaslang.
3. Ang salitang magapi ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang isang indibidwal ay nagawang magtagumpay at matalo ang kanyang kalaban o kaaway.
4. Ang prowa o sa wikang Kastila ay "proa" ay tumutukoy sa pinaka-unahang bahagi ng isang bangka o barko. Ito ang medyo matulis na parte sa unahan ng barko at tinatawag din na "bow".
5. Ang tinatawag na popa naman o "stern" sa wikang Ingles, ay ang pinaka-likurang bahagi ng isang barko o bangka.
Tingnan ang link na ito para sa kaugnay na mga kaalaman:
#SPJ1