Gawain 3: Piliin Mo!
Basahing mabuti at suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Kilalanin at
tukuyin kung ito ay nagpapahiwatig ng konsepto ng Trade-Off, Opportunity
Cost, Incentives at Marginal Thinking. Isulat ang napiling sagot sa loob ng
kahon
Mahalagang Konsepto
Mga Sitwasyon
1. Nahaharap sa isang pangangailangan ng pagpili
si Angel dahil nawalan ng hanapbuhay ang kanyang
mga magulang dulot ng pandemya. Pinagpipilian
niya ang paghihinto sa pag-aaral para
makapagtrabaho o ang pagpapatuloy kahit siya ay
nahihirapan.
2. Si Coco ay nais bumili ng bagong sapatos ngunit
wala siyang perang pambili. Pinangakuan siya ng
kanyang kuya na bibilhin ang gusto niya kapag
tumaas ang kanyang mga nakuhang marka sa
susunod na markahan.
3. Inimbitahan si Kim sa isang pagtitipon at nais
niyang magsuot ng bagong damit. Ngunit iniisip
niya ng mabuti kung magagamit ba ang damit na
bibilhin niya sa iba pa niyang lakad.
4. Si Maris ay mayroon pa ring magandang trabaho
sa Manila kahit sila ay nasa gitna ng pandemya.
Ngunit iniwan niya ang trabaho at umuwi sa
probinsiya para makapiling ang pamilya.
Share
Answer:
laki mo na hindi mo pa alam