Gawain 3: Tukuyin Mo! Panuto: Basahin ang bawat aytem. Tukuyin kung ang isinasaad ay bugtong o palaisipan.Isulat mo sa sagutang papel ang wastong sagot. 1. Isang pinggan, abot bayan. 2. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. 3. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. 4. Ako'y bumili ng 3 prutas, ang pangalan ng 3 prutas ay nagsisimula sa letrang O. Anong prutas ang binili ko? 5. Paano mo ilalagay o isusuot ang sinulid sa butas ng karayom sa likod ng iyong batok?
Share
2. Bugtong
3. Bugtong
4. Palaisipan
5. Palaisipan