Gawain 3b - SALAMAT SA IYO! !
Panuto: Gumawa ka ng isang liham pasasalamat sa mga naging ambag ng
nga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Kung maaari mong i-post ang liham sa isang
ocial media ay gawin ito upang mabasa rin ng iba at mabigyang-halaga din nila ang
ahahalagang pamana ng mga sinaunang kabihasnan. Gamiting gabay ang rubric sa
ggawa ng iyong output.
PLS PAKI sagut po tataasan Kopo ang points kailangan na kasi po bukas ng umaga
Share
Answer:
Ako ay lubusang nagpapasalamat sa mga naiambag ninyo sa kasalukuyan. Nang dahil sa inyo, nagkaroon kami ng maaayos na gamit na lalo pa naming pinauunlad para maiparamdam din namin sa inyo ang aming galak sa inyong mga ginawa.
Sa eskwelahan, ito ay itinuturo sa amin para malaman namin ang kaganapan noon na biniyayaan ang hinaharap ng mga materyal at di-materyal na bagay. Kung wala ang inyong kasipagan at katiyagaan, wala ang mga gamit ngayon na ating ginagamit upang mapadali ang mga bagay-bagay. Isa sa aking hinahangaan na naimbento noon ay ang hieroglyphics at cuneiform. Dito kasi nanggaling ang sistema ng pagsulat.
Kulang nga ang maraming pasasalamat sa inyo sa mga naambag ninyo sa kasalukuyan. Wala na ngang hihigit sa paghanga ko sa inyo. Naliwanagan rin ako sa mga kaganapan noon sa pamamagitan ng pag-aaral ng kasaysayan. Ang mga bagay ngayon ay wala kung hindi nagbuhos ng kasipagan ang mga tao sa sinaunang kabihasnan na tinatalakay na ng mga kabataan sa panahon ngayon. Dito na rin nagtatapos ang aking liham para sa inyo, Muli, Salamat!