Gawain 3
Panuto: Batay sa mga sagot na naisulat sa bawat sitwasyon, alin sa mga sitwasyon ang
iyo nang naranasan sa totoong buhay? Sumulat ng salaysay na may kakaibang
pamagat tungkol dito at isulat sa sagutang papel.
Halimbawa:
BASURA KO! IUWI KO!
Mahilig akong kumain, kaya naman tuwing pagkatapos ng aming klase ay palagi
akong bumibili ng pagkain sa kantina dahil sadyang guturin ako. Isang araw, nasita ako ng
aking kaibigan na huwag magtapon ng aking basura sa kung saan saan. Hindi ko siya
pinakinggan at patuloy ko pa rin itong ginagawa. Kaya isang araw, sa aming asignatura sa
Edukasyon sa Pagpapakatao, pinag-aralan namin ang kahalagahan ng kalinisan gaya ng
pagtatapon ng basura sa tamang basurahan. Napagtanto at naisip kong mali at hindi tama
ang nakagawian kong pagtatapon ng basura sa kung saan saan. Kaya naman, naisip kong
upang makatulong sa Inang Kalikasan, sinunod ko ang adhikain ng aming paaralan tungkol
sa basura na "Basura ko! luuwi Ko! upang sa ganoon ay may maitulong naman ako sa
paaralan na siyang nagtuturo sa aking kaalaman.
NGAYON IKAW NAMAN
Share
Answer:
dahil Ang pag tapon ng basura kahit saan ay nakakasama na ating kapaligiran