GAWAIN 4
PANUTO: Lumikha ng pamagat ng sariling mong pelikula tungkol sa KARAHASAN sa
PAARALAN at bigyan ito ng maikling buod.
pakisgot po
Share
GAWAIN 4
PANUTO: Lumikha ng pamagat ng sariling mong pelikula tungkol sa KARAHASAN sa
PAARALAN at bigyan ito ng maikling buod.
pakisgot po
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
SIYA ANG DAHILAN
Explanation:
Isa si Mary Jane sa matalinong mag-aaral sa Magiting High School. Ngunit dahil sa kanyang pananamit ay lagi siyang nabubully at isa sa dagok ng buhay niya ang naranasan niya, at ‘yon ay ang maranas ang kaharasan sa loob ng paaralan na siyang tinatawag na pangalawang bahay. Naranasan niya ito sa kamay ng kanyang guro. Dapit-hapon na iyon ng Lunes, Abril 7 nang mangyari ang krimen. Papauwi na sana si Mary Jane nang biglang may tumakip sa kanya na isang lalake. Nagpumiglas siya at takot na takot sa nangyari ngunit hindi siya hinayaan na makatakas. Dinala siya sa isang bakanteng kwarto at doon na pinagsamantalahan ng guro. Iyak nang iyak ang bata at todo hiyaw pero nginisihan lang siya ng guro.
Pagkatapos maranasan ni Mary Jane ang dagok sa buhay niya ay umuwi siyang nakatulala at Puno ng iyak. Gusot-gusot ang uniporme nang siyang dahilan ng pagtataka ng mga magulang niya. Ang suspect ay walang iba kundi ang propesor niya na may pagnanasa sa kanya. Dinala ang bata sa Psychiatrist at doon nalaman ng kanyang mga magulang ang nangyari. Galit na galit sila at sinampahan ng kaso ang suspek. Nakulong, nawalan ng trabaho at nabigyan na ng hustisya ang bata. Subalit kahit kailan man ay hinding-hindi na mawawala ang trauma na idinulot ng kanyang guro sa kanya.