GAWAIN 4
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Pumili ng pinakamahusay na sagot na nagpapakita ng
matapat na pakikiisa sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at daigdig. Isulat ang titik lamang ng iyong
sagot sa patlang
1. Madalas kang avain ng iyong mga kaibigan na lumabas dahil nakakainip ng maglagi sa bahay.
Ngunit binilinan ka ng iyong ina na hindi ka pwedeng lumabas
a. Alam mo ang peligrong idudulot ng iyong gagawin kaya hindi ka na lang lalabas.
b. Lalabas ka dahil inip na inip ka na sa bahay at minsan lang naman
c. Hindi mo na lang papansinin ang iyong mga kaibigan upang hindi ka na kulitin.
2. Madalas mong nakikita ang iyong lolo na laging inuubo at masama ang pakiramdam. Natatakot
ka at baka may sakit na ito.
a. Hahayaan mo na lang siya at baka mahawa ka pa kung may sakit nga ito
b. Ipagbibigay alam mo ito sa iyong magulang upang madala siya sa inyong health center upang
matignan siya at maagapan.
c. Uutusan mo ang iyong nakababatang kapatid na siyang tumingin sa inyong lolo.
3. Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyektong humihikayat sa lahat na magtanim ng mga
gulay sa kanilang likod bahay.
a. Hindi ka naman mahilig sa gulay kaya hindi ka magtatanim.
b. Tumalima sa proyekto dahil napakahalaga ng gulay sa pang arawaraw na pagkain.
c. Hayaan mo na lang ang iyong mga magulang na gumawa nito.
4. Ilan sa inyong mga kapitbahay ang madalas maglagi sa tindahan na malapit sa inyong tahanan.
Gayunman, napansin mo na hindi nilalagay sa basurahan ang kanilang kalat
a Sasabihan ko na maglagay ng basurahan sa harap ng kanyang tindahan
b. Wala kang gagawin dahil tindahan naman nila iyon.
c. Sisigawan ang mga bumibili na ilagay ang kalat sa basurahan.
5. Napansin mo ang iyong tatay na hindi naghugas ng kamay o gumamit ng alcohol bago pumasok
ng bahay. Yayakapin siya ng iyong nakababatang kapatid
a. Sisigawan ang iyong kapatid na huwag lumapit
b. Sasabihan ko maghugas o maglinis muna para malapitan siya ng iyong kapatid
c. Hahayaan na lang ang iyong kapatid sa gusto niyang gawin.
Share
Answer:
1.A
2.B
3.B
4.A
5.B
Explanation:
yan po sana makatulong