Gawain 5: Kahulugan ko, Ibigay Mo!
Panuto: Ibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga salitang makikita sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa mga nakalaang kahon.
Salita: Plastik
Denotatibo: __________
Konotatibo: __________
Salita: Kanang-kamay
Denotatibo: __________
Konotatibo: __________
Salita: Ilaw
Denotatibo: __________
Konotatibo: __________
Salita: Ahas
Denotatibo: __________
Konotatibo: __________
Salita: Balat-sibuyas
Denotatibo: __________
Konotatibo: __________
kailangan kopo ng maayos na sagot:)
Share
Verified answer
Ang denotatibong kahulugan ay ang mga salita o pariralang may literal na kahulugan. Ang konotatibong kahulugan naman ay mga salita na may mas malalim na mensahe o hindi direktang kahulugan.
Narito ang mga kasagutan sa iyong takdang-aralin:
Denotatibo: Ito ang ang lagayan ng mga bagay o kaya mga kasangkapan na gawa sa plastik.
Halimbawa: Ang mga mansanas ay kanyang nilagay sa plastik.
Konotatibo: Maaaring mangahulugan ang salitang plastik sa isang taong may pekeng pakikitungo o kaya ay traydor na tao.
Halimbawa: Ang plastik niyang kaibigan ay may masamang intensyon sa kanya.
Denotatibo: Kasalungat ng kaliwang-kamay na madalas ginagamit sa pagsulat.
Halimabawa: Nasugatan ang kanyang kanang-kamay habang naghihiwa ng gulay.
Konotatibo: Taong inaasahan, alagad, o kaya ay pinagkakatiwalaan.
Halimbawa: Ang kanyang kanyang-kamay ay tapat nang naglilingkod ng pitong taon.
Denotatibo: Bagay na nagbibigay liwanag sa daan, bahay o mga istruktura.
Halimbawa: Ang ilaw sa may poste ay hindi masyadong maliwanag tuwing gabi.
Konotatibo: Gabay ng isang tao o kaya ay ina. Maaari ring mangahulugan ng kahit anong bagay na nagpapapukaw sa kanyang damdamin o isipan. Pwede rin ang salitang inspirasyon.
Halimbawa: Ang kanyang karanasan noong kabataan ang siyang naging ilaw upang maging malakas.
Denotatibo: Isang uri ng hayop na makamandag at gumagapang.
Halimbawa: Natuklaw si Jason ng ahas habang namamasyal sa kagubatan.
Konotatibo: Isang taong mabuti sa harap ngunit may masamang plano pag ikaw at nakatalikod. Mga taong akala mo ay kaibigan ngunit hindi pala malinis ang intensyon.
Halimbawa: Lingid sa kaalaman ni Grace, ang ahas sa kanyang buhay ay ang kanyang kinikilalang matalik na kaibigan.
Denotatibo: Balat ng isang halaman na kung tawagin ay sibuyas.
Halimbawa: Maluluha ka talaga kapag hinihiwa mo ang balat-sibuyas.
Konotatibo: Taong mabilis mapikon, maasar o kaya ay maiyak sa mga simpleng bagay.
Halimbawa: May pagka-balat-sibuyas si Alexis lalo na kapag inaasar siya ng iyakin.
Kung nais mong matutuo ng mga matatalinghagang salita, maaaring magtungo lamang sa link na ito:
brainly.ph/question/2431635
#SPJ5