Gawain 5. Sa bahaging ito ay gagamitin mo naman ang lahat ng iyong mga natutuhan sa paggawa ng panghuling gawain. Basahin at unawain ang sitwasyon at ang iyong gampanin sa pagbuo nito. Ikaw ay cartoonist sa isang pahayagan. Madalas kang gumuguhit ng mga caricature na sumasalamin sa mga isyung panlipunan, sa pamamagitan nito ay naimumulat mo ang mga kabataang kagaya mo na maging mapanuri samga kaganapan sa kanilang paligid. Ang mga likhang imahe mo ay maaaring mag- udyok din sa iba na kumilos upang maging bahagi ng solusyon at mapanatili ang kapayapaan, at kaayusan ng bansa. Kaya naman, ikaw ay guguhit ng karikatura na naglalaman ng isang suliranin o isyung panlipunan na napapansin mo sa kasalukuyan. Makikita rin sa iyong karikatura ang mungkahing solusyon mo sa suliranin at sa huli ay maglalagay ka ng kapsiyon o paliwanag ng iyong iginuhit. 8
Share
Answer:
ang mga mangingusda ay tinutulungan tayo para makakain at mag papalay at lagi ang mga panulo natin ay hindi ta yo papabayaan at pilipinas