Gawain 5 :Salita'y suriin !
Panuto: Suriin ang mga salitang malalalim mula sa binasang kwento at tukuyin kung nasa anong kayarian ng salita ito. Maaaring payak, maylapi, inuulit at tambalan. Kaya subukan mong ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita batay sa kayarian at sa iba pang katangian nito. Salungguhitan ang sagot.
1. Labis na PAGKAINGGIT ang naramdaman ni Venus kay Psyche. Ang salitang naitiman ay may kayariang (payak, maylapi, inuulit , tambalan) at ito ay may kahulugang (labis na pangimbulo, pagseselos, pagkainis)
2. Sinabi ni Jupiter na pormal nang MAG-IISANG DIBDIB sina Cupid at Psyche at walang sinumang gagambala sa kanila maging si Venus. Ang salitang naitiman ay nasa kayariang ( payak, maylapi, inuulit, tambalan) at nangangahulugang ( pagpapakasal, pagpapabinyag, pagpapabasbas)
3. Anong inuulit na salita ang pwedeng pamalit sa pariralang "hindi na halos alam kung anong uunahin » ? __________________________
4. Pinayabong at inangkin ng Rome ang mitolohiya ng Greece na kanilang sinakop. Anong dalawang salita ang nabanggit sa pangungusap na magkasingkahulugan at may parehong kayarian ? ( Ibigay ang dalawang salita at ang kayarian nito)
5. Alin sa mga salitang payak sa kahon ang naiiba ang kahulugan. _________
- pana
- busog
- punyal
tama - brainlyfast
mali - report
Share
Answer:
sa palagay ay busog
Explanation:
kase kapag nagugutom ka ay kumain kalang at mabubusog kana