Gawain 7: Suring Larawan!
Panuto: Suriin ang larawan, ipahayag mo ang sarili mong Pananaw at Katwiran sa lohikal na paraan sa pamamagitan ng pagtatambal ng mga kasagutan mula sa Hanay A papunta sa Hanay B. Isulat ang LETRA ng wastong sagot sa patlang.
HANAY A (PANANAW
1. Nagdudulot ng kahirapan ang
kawalan ng sapat na edukasyon ng isang tao.
2. Resulta ng maling
pagmamagulang ang masaklap na kalagayan ng mga anak.
3. Tamang pagpa -family planning
ang kailangan upang hindi lumaki ang bilang ng kasapi ng isang pamilya.
4. Nahuhubog sa loob ng tahanan ang isang mahusay na indibidwal na magtataguyod ng 5. Kakulangan ng sapat na pagkain ang dahilan ng malnutrisyon ng maraming
ating lipunan.
batang Pilipino.
HANAY B (KATWIRAN)
Kinakailangang may sapat na kaalaman at pagkonsulta sa mga doctor o kaya health workers kaugnay ng kung ano ang akmang paraan na gagamitin sa family planning artipisyal man ito o natural na paraan upang di malagay sa alanganin ang kalusugan lalo ng isang babae at upang maiwasan ang panganganak ng marami.
B. Ang disiplina, tamang pag-uugali at kabuuang pagkatao ay hinihubog sa loob ng tahanan. Salamin ng isang bata ang kanyang kinalakhang paligid sa loob ng kung anong uri ng pamamalakad mayroon sa kanilang pamilya.
C. Malaking problema ang kawalan nang sapat na edukasyon ang isang tao, ito ang madalas nagiging ugat ng kahirapan sapagkat hindi nauunawaan ang maraming bagay sa kanyang paligid at nagreresulta ito ng mas masamang kalagayan para sa isang tao.
D. Walang trabahong matatag ang mga magulang at lamang ang bilang ng mga anak o miyembro ng pamilya kaya pinagkakasya na lamang ang kaunting budget-madalas hindi masusustansyang pagkain ang naihahain sa hapag kainan at isa hanggang dalawang beses lamang kung kumain.
E. Kulang ang kaalaman sa wastong pagmamagulang ang nagiging resulta ng pagtatrabaho nang maaga ng mga anak, hindi mapag-aral ang mga ito, kakulangan sa mental at kalusugang pagpapahalaga maging pagbibigay ng atensyon, pagdidisiplina at pagmamahal na kailangan din ng mga anak.
Share
Answer:
1.C
2.E
3A
4.B
5.D
Explanation:
Sana makatulong,fallow niyo ko